Walang pang-motel Magkalaguyo, huli sa trike sex scandal

MALAMIG NA REHAS ngayon ang hinihimas ng isang lalaki at babae nang arestuhin sa kasong alarm and scandal nang maaktuhan sa malaswang eksena sa loob ng tricycle sa Tacloban City, Leyte kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan ang dalawa na itinago sa mga pangalang Jimmy, 44 anyos; at Verna, 55 anyos, sa isang tricycle sa kahabaan ng Jones St.

Ayon sa Abucay Police Station 1, nagpapatrolya ang mga pulis nang mapansin ang naturang tricycle na nakaparada subalit umiindayog ito, kaya naman siniyasat kung ano ang nangyayari sa loob na inakalang hinoholdap ang nasa loob. Subalit bumulaga ang hubo’t hubad na babae at lalaki.

Sinasabing matagal nang may relasyon ang dalawa na kapwa residente ng Brgy. 96, Calanipawan at Burayan, San Jose.

Ayon kay Jimmy, dati ay pumapasok sila sa mga mumurahing hotel ngunit dahil sa kakulangan sa budget ay napilitan silang sa tricycle na lang magtalik.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga nadakip.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9859 stories on this site.

One thought on “Walang pang-motel Magkalaguyo, huli sa trike sex scandal