Walang panama sa ibang nakapareha? Vic, ayaw patagalin ang kissing scene kay AiAi

TULAD NANG inaasahan ng marami, may kissing scene sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas sa kanilang MMFF entry. Pero ayon sa reyna ng komedya, take two lang ’yun. Hindi siya nagsamantala kay bossing dahil ayaw niyang malasin ang movie nila. Meganon? Samantala, may nakarating sa aming tsika na si Bossing Vic daw ang ayaw patagalin ang kissing scene. Totoo ba ito? Bakit, wala bang panama si Ai-Ai sa mga nakapareha na ni Bossing kaya ayaw ng matagal na lips to lips? Hekhek! Naku, kung asim din lang ang labanan eh, tiyak na punum-puno pa niyan ang lola n’yo. Iispluk na nga ‘yan, Mareng Aileen at Bossing Vic!

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.