Walang Pampaaral sa 2 Anak Ama, Nagbigti Dahil sa Kahirapan

 

SOBRANG KAHIRAPAN ang nagtulak umano sa isang lalakI para magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jayson dela Cruz, live-in partner, walang hanapbuhay at residente ng # 1038 Int. 10, Brgy. 33, Maypajo ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, bandang alas-4 ng ma-daling-araw kahapon nang matagpuan ang katawan ng biktima na may nakataling abaca sa leeg na itinali sa biga ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, tatlong araw bago isagawa umano ng biktima ang pagpapakamatay ay nagtalo umano ang biktima at ang kanyang live-in partner na si Tin Tin Viray, 28.

Ayon kay Tin-Tin, ang pinagtalunan umano nila ng kanyang kinakasama ay hinggil sa kawalan nila ng pera para panggastos sa pang-araw araw na pa-ngangailangan at hindi nila mapag-aaral ang kanilang dalawang anak sa darating na pasukan.

Nang makita ni Tin-Tin na nakabigti ang biktima ay kaagad na tinawag nito ang kanyang mga kaanak para alisin sa pagkakabigti at agarang dinala sa President Diosdado Memorial Medical Center, kung saan ay hindi na umabot nang buhay.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa pa rin ang awtoridad ng imbestigasyon upang mabatid kung sadyang nagpakamatay ang biktima o may naganap na foul play.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.