Walang pambayad sa ospital, Ama, isinanla ang anak

NABAWI NG mga tauhan ng Municipal Social Welfare Development Office, kasama ang legal team ng Pamahalaang Panlalawigan, ang isang 33 araw na gulang na sanggol na babae na umano’y isinanla ng kanyang sariling ama sa Baliuag, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni Atty. Joel Arellano at Asst. Counsel Julius Degala mula sa biktimang itinago sa pangalang  Hazel, ina ng sanggol na si Angelique, humingi ito ng tulong sa legal department ng Provincial Government of Bulacan, kung paano nito mababawi ang kanyang anak na isinanla ng kanyang boyfriend sa halagang P40K sa kanyang kamag-anak na si Ma’am C, isang guro sa MH del Pilar National High School.

Ayon sa salaysay ng ina, ipinagpaalam ng ama ng bata na sandali nitong kukunin ang sanggol, upang ipagamot nito lamang Disyembre 26, 2011. Subalit makalipas ang ilang oras, hindi na bumalik ang ama ng bata, kung saan tumagal pa ng ilang araw bago nito nalaman na isinanla pala ang sanggol sa pinsan, upang may ipambayad sa hospital bill.

Nabatid na hindi makuha ng tunay na ina ang kanyang anak, dahil pinalitan na ito ng “fake” na pangalan na “Contessa Lorain” ng pinagsanlaang guro, kung saan iginawa ito ng panibagong birth certificate sa tulong na rin umano ng isa nitong midwife na kamag-anak.

Dahil dito, agad na kumilos ang MSWD sa pamumuno ni Ms. Jo at legal team na pinamumunuan ni Atty. Jeffrey Cruz, at Bulacan Governor Wilhelmino M Sy Alvarado, kung saan nito lamang nakaraang Linggo, nabawi ang bata sa kustodiya ng guro.

Kaugnay nito, nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang ama ng bata na nakilalang si Julius Payuran, 25 anyos, ng Brgy. Sabang, Baliuag na kasalukuyan pang natatago.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.