Walang overdose sa 1-month old baby – PHO

NAGPAPATULOY ANG imbestigasyon ng Provincial Health Office (PHO) sa kaso ng sanggol na namatay matapos umano ang maling pagbibigay rito ng bakuna ng midwife at nurse ng municipal health office sa bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Dra. Anna de Guzman, provincial health officer, noong Biyernes ay nagpadala na sila ng grupong mag-iimbestiga sa kaso ng pumanaw na si Kent Chester Catabay na halos isang buwang gulang pa lamang na umano’y na-overdose sa mga bakunang itinurok sa kanya.

Gayunman, lumalabas sa kanilang initial findings na tama ang ginawang proseso ng midwife sa pagbakuna sa sanggol.

Nakita nila na nagkaroon lamang ng reaksyon ang katawan ng bata sa bakuna makalipas ang 12 oras.

Dagdag pa nito, hindi umano napatunayan sa imbestigasyon ng Provincial Health Office ang reklamo ng pamilya Catabay na overdose ang ikinamatay ng sanggol.

Ayon kay De Guzman, walang nakitang palatandaan ng overdose sa pasyente, at hindi raw ito nangangahulugan na tumigil na sila sa imbestigasyon.

Una nang sinabi ni Kagawad Roel Catabay, ama ng sanggol na gagawa sila ng legal na hakbang sakaling mapatunayang namatay ang sanggol dahil sa kapabayaan ng RHU Bolinao.

(E. CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.