Walang naiipon at walang naipupundar? Jovit Baldivino, kinalasan na ang discoverer-manager!

PUTOK NA ANG balitang naghiwalay na ng landas sina Jovit Baldivino at ang discoverer/manager nitong si Joy Maranan. Pera raw ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Hindi raw naire-remit nang buo ang kinikita ni Jovit ng kanyang manager. Sinasabing wala pang one million ang pera ng grand winner ng Pilipinas Got Talent kahit kaliwa’t kanan ang booking nito sa loob at labas ng bansa.

Nakipag-usap ang pamilya Baldivino sa kanilang abogado para mapawalang-bisa ang lifetime contract na pinirmahan nila kay Joy. Gusto raw nilang ang Star Magic ang mag-handle ng career ng kanilang anak. Ayon sa abogado ni Jovit, there’s no such things as lifetime contract.

Ang nakakaloka pa raw, sa iisang building parehong naka-tira sina Jovit at Joy, pero walang binabanggit ang pamilya Baldivino tungkol sa letter of revocation na pinadala sa kanya ng abogado ng tatay ni Jovit. Bakit kailangan pa raw may ganu’n? Puwede naman daw silang mag-usap nang maayos. Ang ginawa ni Joy, nag-consult sa kanyang lawyer at sinagot ang letter na ipinadala sa kanya. Nagpadala rin ang Star Magic ng letter kay Joy na ipinahihinto ang 20 percent  commission na pirmado nina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariolle Alberto.

Nang magharap sina Joy at Larry, hindi raw makaimik ang tatay ni Jovit. Three years contract na lang ang hinihingi ng discoverer/manager ay hindi pa rin ito mapagbigyan. Sa legal na usapan, hindi puwedeng baguhin ang kontrata na ang isang panig lang ang may gusto. Kailangan, mutual agreement. Ang 20 percent commission na nakukuha ni Joy sa bawat booking ang dahilan kung bakit gusto ni-lang kumalas sa da-ting manager, tsika sa amin.

Nilinaw naman ni Joy ‘yung tungkol sa lifetime contract. Ang totoo pala nu’n ay open-dated ang contract na pinirmahan ng pamilya Baldivino. First time kasi siyang nag-manage kaya wala raw siyang alam tungkol sa bagay na ‘yun, dahil nasa construction at trading business ang hawak niya. At dahil open-dated ang kontrata niya, agad pinagbigyan ng Star Magic ang request ng Baldivino family na tuluyang alisin ang 20 percent.

Naging maayos naman daw ang pag-uusap nina Joy at ng pamilya ni Jovit sa opisina ng Star Magic, ayon sa aming source. Pumayag si Joy na ang Talent Center ang mag-handle ng career ng dati niyang alaga. ‘Yung tungkol daw sa pera, ayaw nang pag-usapan pa ‘yun ni Jovit. Ayaw na nilang palakihin pa ang issue. Ang importante raw, okey na sila ni Joy.

Ang ipinagtataka raw ni Joy, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagpupundar ng sariling bahay si Jovit. To think, more than 2 million pesos na ang pera ng magaling na singer. Ang pagkakaalam namin ay nakabili na ng lupa na palayan si Jovit sa Batangas City.

Ngayon si Marcelito Pomoy na lang ang nag-iisang alaga ni Joy, sana naman hindi matulad kay Jovit Baldivino ang nangyari sa kanya. Nangako raw itong never siyang iiwanan dahil tumatanaw ito ng utang na loob sa kanyang discoverer. Ganu’n ?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

16 thoughts on “Walang naiipon at walang naipupundar? Jovit Baldivino, kinalasan na ang discoverer-manager!

  1. BINIYAYAAN C JOVIT NG MAGANDANG BOSES. DAHIL MABAIT SYA, BINIYAYAAN DIN SYANG MANALO SA PGT. KAYA WAG MANGHUSGA SA KANYA. PAG LUMIPAT YAN NG MAAYOS NA MANAGEMENT MADAMI MAIIPON YAN AT HUH MAGLAWAY ANG MGA NANLALAIT JAN. MAGKAKABAHAY AT LUPA YAN. MALAKI KITA.

  2. ACTUALLY DINADAMAYAN KO YANG MALUNGKOT MUNG BUHAY BEING A SLAVE FOR THE REST OF YOUR LIFE…………..HAHAHA……….YOU’RE HAVING A BATTERED WIFE-SYNDROME……..FOR SURE KAGUGULPI LANG SA IYO DYAN……..CALL 911…..HAHAHAHA

  3. What’s wrong with my username ? Uy, talagang naghahanap ka ng karamay. “Psychology” ko sa iyo, natuto ka ng English 101 sa school ni idol, O sige, huwag ka ng umiyak. I’ll stop teasing you. . . . .NOT . . . .Ha ha, you got me started. This is so much fun. Laki ng galit mo sa mundo. Puro capital letters ang dating ng lahat ng posts mo. Relax ka lang diyan.

  4. HAHAHA ANG GANDA DAW FOR ALL WE KNOW FEMALE VERSION KA NI JOVIT HAHAHA……………NOT A MARIEL FAN EITHER……GRAMATICALLY WRONG ANG TITLE MO….SABI KO NA NGA BA JEJEMON KA EH……..HINDI AKO LAMPA NAKA WHEEL CHAIR AKO……..HAHAHAHA

  5. Uy, si Shebie, nagpuputok ang butse. Alam mo, ang ganda ko kaya. You look like the green eyed monster. Inggit ka ? Galit ka sa akin dahil pinatamaan ko ang idol mo ano. Be a sport my friend, o wala sa vocabulary mo ito. Nabasa ko ang isang comment dito. Lampa ka raw. Hindi naman siguro. DUWAG lang.

  6. I UNDERSTAND WHERE YOU’RE COMING FROM…….PANGIT MAN O KAMUKHAN NI JOVIT………….YOU SHOULDTAKE ASPHALTING CLASSES FROM DPWH……..I BET BUTAS-BUTAS DIN ANG FACE MO………HAHAHAHAHA

  7. Pangit man o guwapo, may pinagaralan o wala, bago magpakawala ng pera o pumirma ng kontrata, abogado muna ang kausapin. At saka, it does not hurt if these young talents join a financial planning class. Hindi katulad ng ibang artista na ang mga magulang bihasa sa paghawak ng pera at magpatakbo ng business, ang mga baguhan na walng experience at wala ring experience ang mga magulang, huwag basta basta mag rely sa iba lalu na kung hindi masyadong kilala ang ugali. Tignan ninyo si Nora Aunor. Ang daming projects noong kabataan niya pero wala siyang moolah ngayon.

  8. Wish you all the best Jovit, please keep singing, not all people have a wonderful voice like yours. Sana ingatan mo ang whatever you have right now kasi hindi easy ma penetrate ang estado mo ngayon. Ang iba pa nga diyan, iyak ng iyak at gawin pang ibinta ang sarili nila sa mga producer para lang maka pag break ng kagaya sa yo. I’m sure daming inggit sa yo kaya pagbutihin mo pa ang talent mo. Do not drink and do not smoke dahil ang boses mo ang nagbigay sa yo ng daan para marating mo ngayon kung saan ka man.

  9. what else is new di ba sumikat yan sa abs..di katakataka huhuthutan lang yan ng mga tao sa paligid at pag laos na…sabagay sumikat ba?…sisipain na yan…

  10. @swardinas kung pangit man c jovit at least sikat cya at may talent na kayang ipagmalaki sa boung mundo.. eh ikaw anung maipagmalaki mo? pangit na nga ugali mo how much more UNG MUKHA MO!!!! umayos ka nga…

  11. okey lang pangit sikat naman, hindi naman sa itsura na naging champion sya. kahit gaya gaya si jovit ,champion naman sya. kung ganon nagkamali ang nagtext at ang tatlong hurado sa pgt season 1, bakit nagiging champion si jovit. kasalanan sa mga texters at sa tatlong judges.

  12. @ swardinas…alam mo kaibigan, kahit pangit si Jovit, sya naman ay gwapo sa panloob. Tama lang na swertehin sya sa buhay..dahil sa dinanas niyang kahirapan noon. Ano nman karapatan mong mang husga? Gwapo kaba, maganda kaba???!! Naniniwala kaba sa Karma??! dapat maniwala ka..totoo yun kaibigan!

  13. ka cheapan itong kwentong ito!!!! da who ba yang jovit na yan? e ang pangit pangit naman!!! ni hindi ka gaganahang manood sa itsura nya! e gaya gaya rin lang naman yan sa mga kanta ng journey! e di si arnel na lang and panonoorin at pakikinggan ko!

Leave a Reply

Your email address will not be published.