WALANG MEDIA COVERAGE ANNE CURTIS, NAG-BIRTHDAY SA HOSPICIO DE SAN JOSE

HINDI NA NI-REVEAL ni Anne Curtis kung ano ang birthday gift sa kanya ng kanyang boyfriend na si Erwan Heussaff nang makausap ito ng showbiz press sa grand presscon ng pelikula nila ni Luis Manzano na Who’s That Girl? nu’ng Lunes. Pero sinabi ni Anne na isa ‘yon sa best birthday gifts na natanggap niya.

Bukod sa intimate and private birthday celebration ni Anne, napag-alaman din namin na pagkatapos na pagkatapos ng Showtime nu’ng araw mismo ng birthday, Feb-ruary 17, ay agad pumunta ang magandang aktres sa Hospicio de San Jose sa Ayala Bridge sa Quiapo, Manila para magpasaya ng mga inabandonang mga bata at mga matatanda.

Walang media coverage o press na imbitado para masaksihan ang charity work na ginawa ng birthday girl, ayon pa sa aming source.

Nanatiling tikom naman ang bibig ng leading man ni Anne na si Luis tungkol sa kanyang lovelife, o ano man ang ginawa niya at sino ang kasama n’ya nu’ng nakaraang Valentine’s Day, lalo na nang hingin ang kanyang reaksyon tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Angel Locsin at Phil Younghusband na gustong maka-date ang aktres.

NAMI-MISS NA RAW ni Dina Bonnevie ang pagbisi-bisita ng kanyang bagong kasal na anak na si Oyo Sotto sa kanyang bahay para kumain ng mga paborito nitong ulam, gaya ng adobo.

Dati raw kasi, kung hindi every Tuesday, every other Tuesday ay pumupunta ang anak sa bahay n’ya para kumain. Minsan raw ay tatawag sa kanya si Oyo habang nasa taping ng Midnight DJ para sabihin ang pagkain na gusto nito pagpunta sa bahay ni Ms. D. Gusto raw ituro ng mahusay at beteranang aktres sa manugang nitong si Kristine Hermosa kung paano lutuin ang mga paboritong ulam ni Oyo.

Kung maaari, gusto raw ni Dina na magkaroon ng apong babae kina Oyo at Tin (nickname ni Kristine). Kaya nga lang daw ay negative pa umano ang huling pregnancy test ng aktres.

MASAYANG IBINALITA SA amin ni Direk Wenn Deramas na si Lauren Young ang gaganap sa da-ting role ni Claudine Barretto na ‘Via’ sa remake ng teleseryeng Mula Sa Puso na kanyang muling ididirehe. Una kasing nabalita na si Charie Pineda raw ang gaganap.

Sa audition pa lang daw ay magaling na ang pag-arte ni Lauren, kaya nagustuhan agad ito ni Direk Wenn. Ang magiging leading men daw ng dalaga, ayon pa sa blockbuster director, ay sina JM de Guzman at Enrique Gil.

Si Direk Wenn din ang direktor ng Who’s That Girl? under Viva Films and SMDC, and showing on March 2.

UGALIIN N’YO PA rin pong makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “WALANG MEDIA COVERAGE ANNE CURTIS, NAG-BIRTHDAY SA HOSPICIO DE SAN JOSE

  1. wala ng paki si luis manzano kung sino man idate ni angel at ganun din naman si angel kay luis,,wala na silano!pashowbiz kayo,,

    we love KRISTIN HERMOSA-SOTTO,,sana tlaga makabalik na sya sa showbiz,,we miss her at si ROXANE GUINOO-YAP.im sure TIN will be a great mom at asawa kay oyo,,sana maging mabuting asawa naman si oyo,,diba,,

    parang mas ok sa akin si JESY MENDIOLA ang gumanap na via ulit,,,ok lang si ENRIQUE GIL pero si JM,parang lagi nalang sya,,anong meron??pinipilit na naman ang isang star na di ganun ka like ng tao,,,wala na naman ito,,,magsasayang,,sana si IVAN DORSCHER o si LANCE CHRISTHOPER nalang,,,

  2. Eh dapat lang! Dapat palaging ipakita ang mga ginagawa nila–for publicity, photo-op? Tulad ni Crazy Aquino? Wag na lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.