Walang maipakitang dyowa: Rufa Mae Quinto, ilusyunada! – Morly Alinio

Ilusyunada si Rufa Mae Quinto!”

Ito ang tili ng isang taong malapit sa aktres dahil hindi raw totoo ang sinasabi nitong milyonaryong boyfriend.

“Actually, nu’n pa talaga gustong mag-asawa at magpakasal ni Rufa Mae, kaya lang ang problema ay parang walang lalaking gustong sumeryoso sa kanya,” say ng aming source.

Ayon pa rin sa aming source, “pagpapakasal” ang isa sa mga tunay na dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Erik Santos kay Rufa Mae. “Hindi pa kasi handa si Erik, e, parang gusto nang magpakasal ni Rufa Mae kaya hayun nu’ng umayaw si Erik nakipag-break na si Rufa Mae,” dagdag ng aming source.

Sa kabilang banda, marami rin naman ang naniniwala na totoong may milyonaryong boyfriend si Ruffa kaya lang ay hindi nito maipakita sa publiko ang latest boyfriend dahil iyon ang kanilang usapan, na kailanman ay hindi dapat malantad ang non-showbiz boyfriend. “Sana nga ay hindi ilusyon lang ni Ruffa Mae ang sinasabi niyang boyfriend dahil nagmumukha siyang kawawa sa kanyang mga sinasabi.”

[ad#post-ad-box]

Sinabi ni Joem Bascon na okey lang sa kanya na maging instant daddy ng anak ni Meryll Soriano kay Bernard Palanca.

Wala siyang nakikitang masama kung gampanan niya ang tungkulin niya bilang “tatay” ng anak sa pagkadalaga ni Meryll.

“Nagmamahalan kami at iyon ang importante sa amin,” say ni Joem na nagsabi ring madalas silang magkasama ngayon ni Meryll at sa lahat ng kanyang naging girlfriend ay ngayon lang siya naligayahan. “Ibang klase kasi si Merylle, hindi siya mahirap pakisamahan at napakabuti niyang tao.”

Ayon pa rin kay Joem, hindi naging malaking hadlang ang pagiging dalagang ina ni Meryll sa kanilang pamilya. “Na-introduce ko na siya sa family ko at okey naman po sila dahil nababaitan sa kanya ang parents ko.”

Si Meryll ang babaeng gusto niyang pakasalan kaya lang sa tuwing sasabihin niya kay Merylle ang katagang kasal ay natatawa lang daw ang aktres. “Parang hindi pa kami yata handa. Minsan nga binibiro ko siya tapos tawa lang siya nang tawa.”

Bukod kina Sharon Cuneta, Angel Locsin at Kris Aquino ay pumapang- apat si Marian Rivera sa may pinakamaraming commercial na ineendorso.

“Magaan kasing endorser si Marian dahil sikat siya. Nadadala niya sa kasikatan kung anuman ‘yung produktong ipinakikilala niya “ pahayag iyon ng isang kapitalistang nakausap namin.

Samantala, kung gaano kasuwete si Marian sa commercial ay parang minamalas naman siya sa Darna dahil habang tumatagal ay papangit nang papangit ang nasabing programa na ang kuwento ay hindi mo alam kung saan pupunta.

Dati ay pinapanood namin ang Darna pero dahil magulo ang story na halatang niloloko na ang kanilang mga manonood ay inihinto na namin ang pakikipaglokohan sa kanila at hindi na namin pinapanood ang nasabing programang ito ni Marian.

Paging channel 7, alam ba ninyong habang tumatagal ay lalong pumapangit ang story ng Darna?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

11 thoughts on “Walang maipakitang dyowa: Rufa Mae Quinto, ilusyunada! – Morly Alinio

  1. LOL!
    hindi totoong ilusyonada si rufa mae..
    LOL! :)

    I bet she’s just laughing her ass off at this article..
    hahaha.. sino kaya ung taong malapit k rufa mae na nagsabi nun.. hmmm..

    I think i saw her last sept. 25 at the fort area.. hmmm.. LOL!

  2. twice ko plng napapanuod ang darna tapos nun di nko umulit heheheh wla wenta kc tsugi na rin yan prang rosalinda cut agad isunod na ang darna …marian iwwwwwww baho nian baho ng ugali

  3. parang gago kse ang boses ni marian kaya nkakairitang panoorin. at lagi sha umiiyak na OA na. gustong parang kinakawawa lagi eh sha nga si darna na dpat matapang.

  4. for us, we like darna from the USA. Gusto gusto namin ang story. siguro ang writer na ito bayaran ng abs.

    Maganda ang storia ng Darna at kahit anong sabihin ninyo kami dine sa USA, we like Darna and Marian. My gf, nieces, nephew, our parents and friends we always watch Darna.

  5. Basta gawang GMA ginagago talaga ang viewers nila

    Marimar! Kung saan saan napunta ang kuwento! Dyesebel, kaengotan sa lahat ng kaengotan! Totoy Bato, mga staff mismo sinusuka ito, Zorro, the robot kabayo, Tadyang, kulang isang oras na litanya sa basurang seryeng ito! All About Eve, isa pang walang kwenta. Rosalinda, sarap pag untugin ang mga banong bida at ang pinaka OAng kontrabida. Darna, kahit di mo panoorin ng isang buwan pag balik mo parang wala kang na miss dahil paulit ulit ang eksena. Darna na walang powers, darnang iyakin. Mas marami pa yung posing nya kesa mga real stunts!

    Sa ABS lang may mga kwentong may kabuluhan, mula Katorse hanggang Dahil May Isang Ikaw, wala kang itatapon

    Ang ganda ng chemistry ng tatlong bida ng Lovers in Paris. Sa dramatic moments ni KC maiiyak ka dahil simple ang pag iyak, galing sa puso hindi galing sa bunganga na ginagawa ni Marian Rivera. Buti sana kung di nakakairita ang boses eh boses parang sinipa na lata! Gusto ko akting ni KC katamtaman lang at hindi OA.
    At sa version ng pinoy, may love triangle talaga dahil kikiligin ka rin kina Zanjoe at KC

    Ang akting nina Chinchin, Gabby, Sid at Lorna sa Dahil may Isang Ikaw, da best, di mo yan mapanood sa GMA, kahit kelan. Kahit si Karylle na dating bano, nakikipagsabayan na. Walang kupas ang echotin, and Kristine like KC, kung umiyak simple lang pero madadala ka. At ang mga speaking voice nila hindi masakit sa tenga

    Nga pala ang mga serye sa GMA telebabad, remake at kopya na nga lang, d pa nila magawang tama!

  6. Nanonood ka ba ng Darna? Maganda at may flow ang story. Hindi mo yata naumpisahan ang start ng serye kaya di mo masundan ang kwento. Hindi ako mahilig sa fantaserye pero I enjoyed this (my all time fave is Encantadia though). Ang pangit ay ang Lovers in Paris ni KC and Piolo – they did not give justice to the korean actors who orginally portrayed the roles. Si KC masyadong OA at corny umarte, nagpupumilit na maging kenkoy at magpatawa eh hindi naman nakakatawa. Eto namang si Piolo, dapat ay cold-hearted and stern businessman ang portrayal ng role pero masyado naman siyang malumanay. Miscast talaga.

  7. ha? anak ba sa pagkadalaga ni merylle si Eli? ang alam ko nagpakasal sila ni Bernard at nagkahiwalay din bago pa sya manganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.