Walang Kudeta Kontra Enrile sa P-Noy Meeting

PINAGTAWANAN LAMANG ni Sen. Teofisto Guingona III ang mga hinala na may niluluto silang kudeta laban sa liderato ni Senate President Juan Ponce-Enrile sa ginanap na dinner sa Palasyo kasama si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa kaalyado ng pangulo sa Liberal Party (LP), malayo sa katotohanan ang natu-

rang hinala dahil kasama mismo sa salo-salo kamakalawa ang pangulo ng Senado at halos lahat ng mambabatas.                                                                                                          Tiniyak naman ng senador na simpleng dinner at kuwentuhan lamang kasama ang pangulo ang nangyari at matagal na itong naitakda.

Katunayan aniya, walang naganap na speech at wala rin silang napag-usapan na anumang panukalang batas na nais ipasa ng Pangulong Aquino.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.