WALANG KONTRABIDA: Alex Gonzaga, ready na mag-asawa at payag na ang pamilya!

Alex Gonzaga with boyfriend Mikee Morada

MATAGAL NA rin naman sila. Almost two years na ang relasyon ni Alex Gonzaga sa businessman boyfriend niya na si Mikee Morada.        

Sa katunayan, ready na nga ang dalawa na magpakasal na nae-excite syempre si Mommy Pinty, lalo na ang kapatid niya na si Toni Gonzaga.

Pagse-share ni Alex tungkol sa kanila ng boyfriend: “Napag-uusapan na namin ang kasal, Siyempre ang fake naman kung hindi pa napag-uusapan at tumatanda na rin. But alam namin kung ano ang time frame.”

No worries si Alex dahil supportive ang kanyang Ate Toni at si Mommy Pinty sa desisyon ng dalaga to get married na.

Kuwento nga ni Toni tungkol sa pagbabago ni Alex mula nang makipagrelasyon ito kay Mikee: “Malaki ang change of attitude ni Alex dahil ‘yan kapag ayaw na, ayaw na. Ganun siya. Pero with Mikee, naga-adjust siya.”

Daddy Boknoy and Mommy Pinty Gonzaga

Nagpahayag na si Mommy Pinty na okey na sa kanila ng mister niya na si Daddy Boknoy na maga-asawa na ang kanilang bunso.

“Ready na kami ni daddy (Boknoy) kapag mag-asawa na siya. If she’s ready to marry, okay lang sa amin kasi she’s not getting any younger. At saka para madagdagan na si Seve (first apo nila sa mag-asawang Toni at Direk Paul Soriano), madagdagan na ‘yung apo namin.”

Alex and Toni Gonzaga

Ss of this writing, showing pa rin sa MMFF 2018 ang pelikula nina Alex at Toni na Mary, Marry Me na unang produkto ng TinCanP film outfit na binuo ni Toni.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.