Walang ka-date sa Valentine’s Day Binata, nagbigti

NAGPASYANG WAKASAN ng isang binata ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili matapos itong labis na malungkot dahil umano sa kawalan ng magiging ka-date ngayong nalalapit na pagdiriwang ng araw ng mga puso sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City General Hospital (VCGH) sanhi ng matagal na pagkakabigti ang biktimang si Mark Nicko Trocio, 18, ng Gen. T. de Leon ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10 ng umaga nang makita ang katawan ng biktima sa loob ng bahay nito.

Nakita ang katawan ng biktima ng hipag nitong si Monaliza Mendador na nakabigti gamit ang nylon cord, kung saan ay itinali nito ang dulo sa window grill habang ang kabila naman ay ipinulupot sa leeg nito.

Agad na ipinaalam ni Mendador ang natuklasan sa asawang si Oliver na mabilis namang tinanggal sa pagkakabigti ang biktima at isinugod sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot ng buhay.

Hanggang sa kasalukuyan naman, patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung may naganap na foul play sa pagpapatiwakal ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.