Walang Inflation sa Pagtaas ng Presyo ng Alak at Sigarilyo

SINIGURO NG Bangko Sentral ng Pilipinas na hindi magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga panguna-hing bilihin o inflation ang pagpapatupad ng Sin Tax Law na nagpapataw ng mas malaking buwis sa sigarilyo at alak.

Sinabi ni BSP Governor Amado Tetangco na maliit na bahagi lang naman ang mga sin product sa binibili ng mga Konsyumer kaya’t hindi nito maaapektuhan ang target na tatlo hanggang limang porsyento sa kasalukuyang taon.

Maaalala na nagsimulang maging epektibo ang Sin Tax Law noong Enero 1.

Samantala, inaasahan naman na makalilikom ang gobyerno ng P34 bilyong buwis mula sa alak at sigarilyo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.