Walang gustong makipag-ayos Annabelle Rama at Nadia Montenegro, matira ang matibay!

NAGSISIMULA NANG maging “family feud” ang awayang Annabelle Rama-Nadia Montenegro as Richard Gutierrez has joined the fray.

Sa naging “act of omission” committed by Richard for failing to mention Ynna Asistio’s name na kabilang sa mga magpe-perform in a group number in last Sunday’s episode of a variety show, naging dahilan ‘yon ng pagtu-tweet ni Nadia ng kung anu-ano laban sa anak ni Annabelle.

Tinawag na “bastos” at “hindi lalaki” ni Nadia si Richard, na aniya’y hindi na dapat pang nakikisali sa kanilang away ng ina nito. But to judge Richard as having done it deliberately is prematurely unfair at this point.

Dahil sa mga tweets ni Nadia, imposibleng walang kontra-tweets si Annabelle. Sinabihan niyang kumpara sa anak niyang superstar ay mga starlet lang naman ang anak ni Nadia.

Samantala, naging tensiyonadong muli ang outgoing week na ito. Lunes, February 20, nang isumite ni Nadia ang kanyang rejoinder sa theft case na inihain sa kanya ni Annabelle. Separate hearings were also scheduled last Wednesday and yesterday.

It will probably take less than a week from hereon, at ang mga kasong isinampa nina Annabelle at Nadia ay mamamaalam na sa fiscal’s level, hence, iaakyat na ang mga ito sa pre-trial. Samantala, ang prosesong tinatawag na mediation takes place ‘pag nagsimula na ang pormal na paglilitis sa kaso. It is in this phase that cooler heads serve as go-betweens to determine kung kaya pang hilutin ang kanilang mga kaso.

However, as far as Annabelle and Nadia are concerned, kahit mandando pa ng batas ang mediation ay tuluy-tuloy ang kaso… matira, matibay.

 

BILANG PAGTUGON na rin sa kahilingan ng mga kababayan natin mula sa Albay, Bicol, sa kauna-unahang pagkakataon ay pinaunlakan ng Face To Face ang Barangay Busay sa Daraga bilang pagdiriwang ng kanilang unang taon ng Cagsawa Festival.

Set against the backdrop of the historic Cagsawa Ruins amidst the splendour of Mayon Volcano, doon nabuo ang kuwentong Lolo Na Game Pa Sa Romansahan, Tatlong Babae Pa Ang Gustong Anakan! Na matutunghayan ngayong Biyernes.

Ayon kay Lolo Eddie, kahit meron na siyang walong anak sa kanyang unang kinakasama ay keri pa rin daw niyang ikalat ang kanyang lahi. Sa episode na ‘yon  nagtagpu-tagpo ang kanyang mga keridang sina Marilyn, Yolly at Bing with matching may nililigawan pa na si Beth. Kaso, ang problema ni Lolo Eddie, isa raw sa tatlong kulasisi niyang  ‘yon ay wala nang matris, ‘yung isa nama’y baog kaya du’n na lang daw siya sa babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak.

 

PERSONAL: A regular reader of Pinoy Parazzi, businessman Bebot Bunye takes pride in being the founding member of the alumni association of his alma mater, ang Pasay City High School Batch ‘62. It took 30 years later para masimulan ni Kuya Bebot ang layunin ng naturang grupo ng mga gradweyt doon na ipinagpapatuloy ng mga sumunod na lider.

Last Sunday, nagdaos ng kanilang reunion ang kanyang batch in celebration of its 50th year, kung saan marami sa mga kamag-aral ni Kuya Bebot  flew in from the US to be part of the heartwarming occasion. 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

7 thoughts on “Walang gustong makipag-ayos Annabelle Rama at Nadia Montenegro, matira ang matibay!

  1. Ano ba Nadia..bakit ang dami mong ka-away….kung mise-rable ang buhay mo huwag ka nang mandamay nang iba. Saan mo ba kinukuha ang mga pam-bayad mo sa mga Abogado mo?…baka naman ikaw ang bugaw nang mga anak mo…kasi wala ka namang pera .naka-pagtataka lang..kung saan ka kumukuha nang pera. wala ka naman source of income..kasi pati pang-upa mo nang bahay hindi mo pa alam kung saan mo kukunin, unless tinutulungan ka nang dating naka-away ni Anabelle..para maka-ganti sila …kasi tinalo sila ni Anabelle..noon iyong taga PEP or iyong taga GMA ?

  2. sana kumidlat nang napakalakas at tamaan tong mga loka lokang baboy naito…kayo kayo nalang mga bwisit nagaaway pa kayo…u guys r fucking hater!

  3. at least c anabel kahit matapang at mabunganga e naipapaliwanag nya yung binabatikos ni nadia. e si nadia? pag tinanong mo laging no comment. palibhasa totoo. d na sya nahiya, mga anak nya pinagttrabaho nya, mga hnd nman kgandahan.wlang utang na loob na mukha pang pera

  4. eh ntural nang makikisali ang isa sa mga anak ni annabelle, yun nga ay si ritsard-no-acting-skill. wag na tayonmg magtataka dahil ganyan ang mga artistang pamilya. marami at mabigat ang mga financer ni nadia so i’ll bet these case/feud will be in years. hahahaha

  5. Talagang makakasuhan si Richard kasi LALAKE siya at hinaharass niya sa text si YNNA sa gulang ni Ynna na wala pa yata siya 19 talagang makakasuhan si RICHARD. Pinagmumura niya at baka meron pa yan halong death threat. Dapat nag -iingat si RICHARD sa mga ginagawa niya kasi nakatakas siya sa kasong pagdadala ng BARIL NA EXPIRED NA ANG LISENSIYA at nakatakas rin siya sa pagkakakulong sana niya sa PA niyang namatay masuwerte pa rin siya. Pero Baka sa  susunod maubusan na siya ng swerte at tuluyan na yan MAKULONG. Tandaan niya MALAKAS ANG EBIDENSIYA NI NADIA dahil naka plan ang cellphone ni Richard at bawat pang haharass niya ke YNNA sa text naka register dun ang full screen name at naka save ang mga text niya… Kaya dapat wag ng maki rambol pa si richard sa awayan nung dalawa, asikasuhin na lang niya yung kaso niya ke MRS. PARDO.

  6. I dont like Richard ,[I prefer Rocco Nacino]but ang tapang naman talaga ng apog ni Nadia,di na siya nahiya na sabihin huwag ng makisali son ni A.R. sa away nila . Yun Dtr mo Nads no name naman sa showbiz since start ng war ninyo{tama nga si A.R mga ala kau utang na loob mga users nga] non stop ang painterview v/s her Mgr.Anyway bahala kayo sa buhay ninyo kung gusto demandahan ng demandahan,gusto ninyo ng magulong buhay at no peace of mind ,thats your choice