Walang Enforcement Unit VS Mga Kolorum na Sasakyan – LTFRB

NILINAW NG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala silang kapangyarihan na magpanagot o manghuli ng mga kolorum na sasakyan.

Ayon kay LTFRB Chairman Jaime Jacob, tanging pagtanggap ng mga reklamo at pagbibigay ng datos tungkol sa mga may prangkisang pumapasada ang sakop ng kanilang kapangyarihan.

Hangga’t hindi aniya naisasabatas ang hirit nilang mabigyan ng otorisasyon at pondo para magkaroon ng sariling enforcement unit, ipapasa lang nila ang mga reklamo ukol sa kolorum sa ibang ahensya.

Umaabot sa 30-porsyento hanggang 40-porysento ng mga pumapasadang sasakyan ang pawang mga kolorum at umaabot sa 30 reklamo ang kanilang natatanggap ukol dito kada buwan, ani ng opisyal.

Palagi naman aniyang umaaksyon ang LTO, MMDA at HPG, pero aminado si Jacob na hindi madaling nareresolba ang lahat ng kaso dahil may iba pa ring trabaho ang mga pinagpapasahan nila ng reklamo.

Karamihan sa mga kolorum ay pawang walang prangkisa kaya wala rin maaaring suspendihin o ikansela.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.