Stars Candid: Walang Echos si Enchong!

Sa wakas, eere na rin sa primetime ang Katorse. Ilang beses ring na-move ang pilot episode nito, huh! At ngayon nga, pasok na sa main cast si Enchong Dee. Ayon kasi sa chikang nasagap ng ating mga chikadora, aba’y kulang na kulang sa energy ang naunang dalawang leading men ng inosenteng si Erich Gonzales, na sina Ejay Falcon at Xian LIm. Hindi lang ‘yan, mukhang wala rin silang hatak sa masa, ‘noh!

Marami na nga ang nakakapansin sa potensiyal ni Enchong sa acting. Sa katunayan, puwede na siyang maging “Next Leading Man” ng Dos. Aba’y bigyan lang siya ng bonggang-bonggang break, mas bobongga pa ang karir niya. Feeling namin, puwedeng kahit siya na lang ang nag-iisang leading man ni Erich sa Katorse. Naman! Acting pa lang, taob na kahit limang leading men ni Erich. Sey n’yo?

Photos by Fernan Sucalit

Stars Candid
by Jean Oli

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.