Walang commitment sa kahit na sinong babae Edu Manzano, happy na sa pagiging single!

SOBRANG HAPPY ngayon si Edu Manzano sa takbo ng showbiz career ni Luis Manzano. Pati ang pakikipag-relasyon nito kay Jennylyn Mercado ay going stronger na labis na ikinatutuwa ng ama. Nakikita kasi niyang masaya’t maligaya ang kanyang panganay na anak sa piling ng actress. Kung si Jennylyn na raw ang gustong pakasalan ni Luis, buong-puso itong tatanggapin ni Doods. Nasa tamang edad na raw ang TV host/actor para magkaroon ng sarili niyang pamilya. Kung si Edu ang tatanungin, mas gugustuhin niya mag-asawa na lang si Luis, kaysa pumasok pa ito sa pulitika.

Pinag-aaralang mabuti ni Luis kung ready na siyang sundan ang yapak ng kanyang ina na si Gov. Vilma Santos ng Batangas. Nilinaw ng actress-politician na hindi niya hinihikayat ang anak na pumasok sa pulitika dahil alam nito na malaking responsibilidad ang maging isang public servant. Maging si Luis, hindi nagbibigay ng commment kung tatakbo nga siya sa year 2013 sa Batangas.

“I’m turning 57 this year. ‘Yung mga anak ko na nakikita ninyo noon, ‘yung bunso is 17, naglalaro sa La Salle. And then, ‘yung  maganda at maliit, she’s studying in Ateneo. Busy time in my life na I want to spend more and more time with them. I’ve never been happy with my children than I have now,” seryosong sabi ni Edu na co-host ni Joey de Leon sa Game ‘N Go ng TV5.

Sa edad ngayon ni Edu, hindi ba siya naghahanap ng makakasama sa pagtanda niya? “No, sila ang hinahanap ko. I have to admit, many times I regret the fact na inuna ko ang trabaho kaysa ‘yung pagpapakita ng atensiyon at pag-aalaga sa mga bata. Isa ‘yun sa mga regrets ko sa buhay. Secret ito, pero one time, my daughter said, ‘I don’t see you anymore’. To this day, nakatanim pa rin ‘yun. Never, never will my children say that to me again,” pahayag niya.

Sa totoo lang, pagdating sa financial needs ng mga bata, tuition fee, allowance, etc., si Edu ang sumusuporta sa mga ito kaya masasabing responsible father si Edu Manzano. Wala na sa isip ng actor-TV host ang mag-asawa muli. Happy na raw siya ngayon sa pagiging single, walang commitment kahit kaninong babae. Sa ngayon, priority ng actor ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Alam niyang marami siyang pagkukulang sa mga ito kaya this time, naka-focus ang kanyang atensiyon sa mga panga-ngailangan ng mga bata.

Kahit pa-girlfriend-girlfriend na lang bibigyan pansin pa rin kaya ito ni Edu? “Well, you will never kuwan, if it comes, it comes, eh. For me, right now, it’s my children,” wika niya.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

13 thoughts on “Walang commitment sa kahit na sinong babae Edu Manzano, happy na sa pagiging single!

  1. wala bang karapatan ang mga bakla sa mundo,i believed di naman sins ang maging bakla ke bakla o hindi yun magama ni Edu,eh ano ngayon problema ninyo?Have a life mga haters sa mga bakla mga paranoid freaks kayo.

    • lalaah, sorry If I sound offensive towards the gays sa pagcomment about Edu’s alleged sexual preference, I was just shocked to know this kasi I never heard about this about Edu. Sa tingin ko kasi sa kanya, lalaking lalaki siya kaya shock lang ako. Kasi di ba he was with Vilma and then Maricel Soriano and now Pinky Webb. Kaya nasashock lang dahil baka gawa gawa lang itong estorya na ito. I have a lot of gay friends and relatives and we do things together and I respect them. Nagtataka lang kasi ako kay Edu kasi he was once linked to these powerful women in the Philippines. So kung totoo man ito na Edu is gay, yong relationship nya kay Vilma, Maricel and Pinky parang panakip lang ba yon to protect him? Ginamit lang ba nya sina Vilma, Maricel and Pinky. Now that is what I don’t agree. If you are gay , come out and don’t use other people at your expense. Ang daming bakla sa Pinas who are all out with their sexuality, yon sila ang nirerespect ko kasi wala silang tinatapakan na tao. Yun lang.

  2. ANG LALAKING WALANG BAYAG AT HIYA! BAKLA KASI! DI NA DAW BABALIK SA SHOWBIZ AT GAME SHOWS ANG KUMAG NUNG TUMAKBONG VICE! TAPOS BALIK SHOWBIZ NUNG NATALO??? LAOS KANA MAGRETIRE KANA BAKLANG EDU

    • Ano? Bakla si Edu Manzano? Oh My Gosh. How did it come out at nalaman sa press na bakla pala itong si Edu? Was there any proof? No offense pero si Luis sometimes parang may mannerism na gay kung kumilos at kung magsalita sometimes. I wonder now kung kay Edu’s genes niya ito nakuha ni Luis. Totoo ba talaga ito na bakla nga itong ama na ito?

  3. HINDI NA NAKABALIK SI EDU SA DOS KASI DI BA TALUNAN SIYA DATI SA ELEKSYON? HAHA! KAYA NAGTITIYAGA NA LANG SA KAPUSO AT KAPATID NETWORK

  4. wala na ba sila ni pinky webb? aside from the game show (pina-palabas na ba?) ano pa ba ang pinagkaka-abalahan nya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.