Walang buwis sa kontribusyon sa Philhealth

HINDI PAPATAWAN NG buwis ang kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang pahayag ni Dr. Eduardo P. Banzon, ang Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth para mapanatag ang kalooban ng mga miyembro ng PhilHealth sa ipinahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na kailangang patawan ng buwis ang kusang-loob na pagbabayad ng kontribusyon sa mga social security agencies ng pamahalaan,  kabilang na ang PhilHealth, ng higit sa itinatakda ng batas.

Ayon pa kay Banzon, “ang kontribusyon ng mga miyembro sa ilalim ng employed sector ay batay sa salary schedule. Ang pinakahuling range ng contribution rates ng PhilHealth ay ipinatupad noon pang ika-1 ng Enero 2007, at ito pa rin ang ginagamit hanggang sa kasalukuyan.”

Ang mga Individually Paying members ng PhilHealth na may buwanang kita na P25,000.00 pababa sa loob ng nakaraang 12 buwan ay magbabayad lamang ng P300.00 kada tatlong buwan, samantalang ang mga kumikita naman ng lampas sa P25,000 ay magbabayad ng P600.00 kada tatlong buwan. “Ang two-tiered payment rate na ito para sa mga IPMs ay ipinatupad noong Oktubre 2010,” dagdag pa ni Banzon.

Nilinaw rin ni Banzon ang mga lumabas na balita na ayon sa BIR, ang mga empleyado ay maaaring magdagdag ng P1000.00 kada buwan sa kanilang premium sa PhilHealth bilang boluntaryong kontribusyon. “Sa kasalukuyan, walang mekanismo ang PhilHealth upang pahintulutan ang mga miyembro nito na boluntaryong magbayad ng premium nang higit sa premium ceiling na itinakda ng batas, para makakamit  ng mas mataas na benepisyo. Ito ang prinsipyo ng social solidarity at mananatiling isa ito sa mga haligi ng National Health Insurance Program.”

“Malinaw po ang nasa patakaran ng BIR, na ang papatawan lamang ng buwis ay ang mga boluntar-yong kontribusyon sa mga social security agencies na higit pa sa naitakda ng batas o mga alituntunin ng nasabing mga ahensya. Dahil ang PhilHealth po ay wala namang optional o boluntaryong dagdag premium contribution na higit sa kasalukuyang prima, walang papatawan ng buwis.”

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.