WALANG ARTE AT SECURE SA KANYANG SEXUALITY: Tom Rodriguez, game sa mga kabaklaan

Tom Rodriguez

ONE THING na gusto ko kay Tom Rodriguez ay wala siyang arte during interviews.

Sa bawat tanong mo, may nakalaan siyang sagot. Sa katunayan, ipapaliwanag pa niya in details ang sagot niya.

Para nga siyang lalaking Sharon Cuneta at Kris Aquino na sa isang maikling tanong ay ratsada ang paliwanag niya.

‘Yun ang gusto ng mga entertainment writers-reporters sa kanya dahil walang kahirap-hirap na makakuha ka ng malaman at juicy na sagot sa kanya.

Tanong para sa pelikula niya or tanong na magkakaroon ng interest ang beks at kabaklaan, game siya. Walang arte. Secure kasi ang aktor sa kanyang sexuality at preference.

Sa pocket presscon ng latest offering ng Cine Ko Productions for their movie The Significant Other directed by Joel Lamangan, game na game ang binata sa mga katanungan tungkol sa interest ng mga bakla.

Sa umpukan ng mga beks yesterday, game siya na sinagot ang mga isyu tungkol sa “kadakilaan” or pagiging “biggie” niya na nasipat ng mga kafatid natin tuwing naga-underwear siya, lalo na sa mga underwear shows ng Bench na palagi ay pinag-uusapan ang binata sa pagiging “biggest”.

Sexy si Tom sa pelikula niya kay Direk Joel kung saan  may mga hot love scenes siya with his two leading ladies na sina Lovi Poe and Erich Gonzales.

Eksena niya kay Lovi, pinaguusapan ang pumping scene ng sexy siren. Ang eksena naman niya with Erich ay iisipin mo na walang humpay na romansahan.

Tsika na binata, kapag underwear show or pictorial, dapat “half erect” ang notes para maganda tingnan na may konting bukol at hindi flat na akala mo ay waley.

Hindi totoong may gamit na labakara ang binata tuwing may underwear pictorial siya.

Sa pelikula nila nina Lovi at Erich, ginawa niya ang lahat ng iniutos ni Direk Joel sa kanya.

Sinabayan niya ang “pumping” ni Lovi sa isang eksena.

Tom Rodriguez, Direk Joel Lamangan and Lovi Poe

Pero kabado ang binata dahil during the “sex” scene, baka madala siya at umalagwa si “Big Brother Tom” sa pagitan nila ni Lovi.

 Hindi kaya mag-selos ang girlfriend niya na si Carla Abellana sa sexy film niya?

Panigurado ng binata na hindi. “She knows that it’s just a job. Artista din siya,” sabi ni Tom.

Kahit hot topic ang “shaft” ni Tom ay ngingiti lang siya at mapapailing lalo pa’t mga kaibigang mga beks ang naguurirat sa kanya.

Walang keber si Tom. Sa katunayan, noong kabataan niya, dahil wala makuhang nude model for an art class, game siya at nag-pose ng hubad na patunay lang na walang bahid ng kaartehan ang binata basta done tastefully.

Sa February 21 na masisipat ang sexy film nina Tom, Erich at Lovi.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.