Wala raw kinalaman… Regine Angeles, dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Jake at Melissa!

ANG LAKI NG inakyat ni Regine Angeles sa FHM 100 Sexiest Women of the World. Nasa rank no. 55 lang siya last year, ngayong taon eh, umarangkada ang kaseksihan niya sa ika-19 na puwesto. In fairness kay Regine, ang ganda naman talaga ng body ng aktres. Pero ang totoong tsika rito ay ang pagkakadawit niya sa break-up nina Jake Cuenca at Melissa Ricks. Itinuturo na siya ang third party na nakagulo sa relasyon ng dalawa. Mariin na itinanggi ito ng katukayo ng Songbird at sinabing ‘di nito alam kung saan napupulot ang mga intrigang gan’un at nahihiya raw siya sa dalawa lalo na kay Melissa. Ayon pa rin sa seksing bebot, hindi raw sila close at bihira nang makita si Papa Jake. Ganyan? Pakisagot nga, Regine!

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Wala raw kinalaman… Regine Angeles, dinenay na siya ang third party sa hiwalayang Jake at Melissa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.