Wala pang nagpapatibok ng puso Kim Chiu, sanay nang malamig ang pasko

CHRISTMAS IS JUST around the corner. Ilang tulog na lang at hindi mo namamalayan ay Pasko na pala. Parang kailan lang ay nag-uumpisa pa lang ang taon but soon we will be welcoming 2012.

Pero mukhang kabilang na naman si Kim Chiu sa samahan ng malalamig ang Christmas. It has been two years since she broke up with Gerald Anderson. “Last year din naman ganoon din so masanay na ako, ‘di ba?” sabi niya sa isang interview.

Wala namang dapat ikalungkot si Kim dahil nandiyan ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa kanyang tabi. Hindi naman kakulangan kung wala man siyang boyfriend ngayon, di ba? Sa aking palagay, may pera man o wala, may bagong damit o wala, may regalong natanggap o wala, may masasarap na pagkain sa hapag-kainan o wala, ang talagang mahalaga ay ang magkakasama kayo ng buo mong pamilya sa pagdiriwang ng Pasko. Huwag na-ting kalilimutan na si Hesus talaga ang star ng Pasko at ng ating buhay.

It’s nice to know na pulang-pula na raw ang kulay ng kanyang puso ngayon at hindi na kulay lumot gaya ng dati. Although she is ready to fall in love again ay wala pa raw taong nagpapatibok ng kanyang puso at nagpapahaba ng kanyang hair. May mga nagpaparamdam naman daw pero hindi nagbigay ng iba pang detalye si Kim kung sinu-sino ang mga umaaligid-ligid sa kanya ngayon. Sa ganda at bait ni Kim, who wouldn’t fall for her?

It helps that she is currently busy with her showbiz projects para mabawasan kahit paano ang kanyang loneliness. Napapanood siya gabi-gabi sa My Binondo Girl na hataw ngayon sa ratings. Sabi nga niya, “Sobrang overwhel-ming at kahit saan ako pumupunta tinatawag akong Jade o Yuan. Ibig sabihin nanonood sila at tinatanggap nila ako bilang isang artista.”

Early Christmas gift na rin sa kanya ang pagkakaroon niya ng isang pelikula with the Star for All Seasons Ms. Vilma Santos. “Siyempre excited at nilu-look forward kong dumating iyong first shooting day namin. Siyempre Vilma Santos iyon tapos ako Kim Chiu,” she said. The movie will be directed by award-winning director Chito S. Roño.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

9 thoughts on “Wala pang nagpapatibok ng puso Kim Chiu, sanay nang malamig ang pasko

  1. nagtataka lang ako kay shebie, halatang ayaw nmn kay kim chiu pero bkt halos lahat ng article kay kim ay may mga comment cia..

  2. NOPE, NASOBRAHAN LANG SA PAG INJECT NG FORMALINE KAYA MUKHANG BLOATED……………HAHAHAHAHAHA……..SYEMPRE WALA NG TIBOK ANG PUSO BANGKAY EH…………HAHAHAHAHA

  3. MAHILIG KASI SI GERALD SA “CADAVERIC” BEAUTY………..HAHAHAHA……….SYEMPRE MALAMIG ANG PASKO NI KIM VANG CAY EH……………….HAHAHAHAHA

  4. kawawa nman itong c Kim,ang ganda ganda tapos dinideny ni Gerald na naging sila,diba ung sa interview nya kay Boy sabi nya never nyang naging gf c Kim?

Leave a Reply

Your email address will not be published.