Wala pang isang taon ang panganay: Misis ni young actor, buntis na naman?!

BLIND ITEM: NAKAKALOKAH. Kelan lang bininyagan ang unang anak, tila may kasunod na ito. Yes, you read it right. Ilang buwan pa lang ang panganay, masusundan na yata.

As of presstime (merong gano’ng factor?), hindi pa dinadatnan ang misis ng young actor at kung buntis nga uli, “Eh, wala namang problema. Blessing ‘yan ni Lord, eh, ‘di tanggapin at i-enjoy!” sey ng young actor.

“Sana lang, ‘wag false alarm!”

Clue? Gusto yata ng young actor, maraming anak. Ayaw niya ng konti lang, eh.

IPINAGMAMALAKI NG TV5 ngayon na kinabog ng Face to Face sa ratings ang mga katapat nitong shows sa ABS-CBN at GMA-7, kaya fiesta ang atmosphere sa show ni Mareng Amy Perez.

In fairness, hindi man sa umaga kami nanonood nito, doon kami sa gabi nanonood, nakakalokah naman talaga ang mga isyung pambarangay na tinatalakay rito. Ang bababaw kung minsan, pero gano’n talaga ang sitwasyon sa mga komunidad na dikit-dikit ang bahay.

At kudos to Amy dahil ang husay niyang maging moderator, in fairness.

Bago tanggapin ni Mareng Amy ang Face To Face, kinonsulta rin niya kami, kaya we’re so happy for my kumare. Go lang nang go.

AT DAHIL ANG dami nang nakaka-miss kay Vice Ganda sa Showtime, dahil nga sa two weeks na bakasyon niya, babalik na siya sa Aug. 23. Galing lang siya ng London, dahil nag-show siya sa Liverpool, England.

At ang nakakabongga pang balita ay na-hit na ni Vice Ganda ang fan page niya to 2 million fans! Kaya siya lang ang natatanging Pinoy personality o celebrity sa history na may gano’n kalaking bilang ng fans!

“At wish ko rin, mama, na sana, gano’n din karami ang manood ng launching movie ko na Petrang Kabayo sa September 29!”

Juice ko, sana nga.

BUKOD SA FACEBOOK account, meron na rin kaming Twitter account. Importante para sa amin na kung ano ang uso, try rin namin para pagdating sa kuwentuhan, hindi naman tayo mahuli sa biyahe, ‘ika nga.

At nakatutuwang in 3 days time, lampas na sa one thou ang followers namin. Yehey!

Si Vice Ganda po ay walang Twitter account, Facebook lang at mahilig din siyang mag-BBM. At ‘yang BBM naman ang next target namin. Hehehe. Social climber na ba ang dating namin?

Ha-ha-ha!

‘Wag n’yong kalilimutang subaybayan ang aming radio program, ang “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 nn kasama sina Rommel Placente, Francis Simeon at Ms. F.

‘Yan ay kung type n’yo lang mag-enjoy, ha?

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

20 thoughts on “Wala pang isang taon ang panganay: Misis ni young actor, buntis na naman?!

  1. Bilib din ako sa yo Ogie Diaz. Di ba Ninong ka nung panganay na anak ni Paolo at Lian? BI-BI ka pa dyan, deretsahin muna total mag-kukumpare naman kayo. Pa-kontrobersyal ka pa eh. ‘La ka talagang kwenta kahit kailan.

  2. hala kung si Lian nga ang BI mahirap yun….di ba CS siya? okey lang kung normal delivery pero pag ceasarian mas mataas ang risk….

  3. mas mabilis tlgang mabuntis ang 1 ba2eng kaaanak lng….
    tsaka no nga ba problema…c paolo na ,ismo nagsabi na gusto nyang maraming anak…mas mganda na habang bata at kaya nmn nilng palakihing mabuti at marangya why not dba?

  4. at first nakakatuwa ang ganyang shows tulad ng face to face but in the long run may sawa factor na rin. at yung sinasabi nila na they did the show para magkaunawaan at pagkasunduin ang dalawang kampo parang di rin. kasi kung papanoorin nyo ang show, pinakita nila lahat ng baho o problema ng magkabilang kampo. siguro sa tv nagkasundo sila pero pagdating sa kanikanilang tahanan pag-uusapan pa rin sila ng mga kapitbahay. unlike sa amerika na walang pakialamanan sa pilipinas maraming usi. it might work for others but really makes a more people worse.

  5. totoo nga kung si ogie ang mabuntis yan ang malaking isyo…huh.
    walang kakwentang balito ito ogs.

  6. TAMA, KINOPYA LANG YAN SA JERRY SPRINGER. HALOS LAHAT NAMAN NG MGA SHOWS SA PINAS EH KINOKOPYA LANG NILA DITO SA ABROAD.

  7. hay naku d naman magandang ehemplo ang face to face parang jerry springer show lang yan dapat b eh ung baho ng pamilya ay ibuyang yang sa tv,nagmumurahan at nagsasakitan tama ba yan? d naman wholesome yan, wala n bang mtrcb ngayon?

      • d naman ako maiinggit noh care ko ba, napanood ko lang sya one time, ikaw gusto mo bang ipanood sa anak o pamangkin mo ang gnung show? mag isip ka nga!

      • pano kung walng guidance ang magulang? kawawang kabataan sa halipn educational shows ang pinapanoos bugbugan at murahanang nakikita. sayang wala ng batibot.. tsk!

  8. Ogie, eh ano naman kung buntis na naman si Lian at masundan ang anak nila ni Paolo. Eh ano naman ang pakialam mo? Eh gusto nila un eh, buhay nila yun. Kung ikaw nga sinasabi mo na me anak ka, keber ba ng mga tao? Very irresponsible and thoughtless report. I blind item mo pa eh ka blind item blind item ba un? Natural, nagsasama, nag chorvahan, eh di mabuntis. Problema nila un, hindi sa yo. Ang malaking issue eh kung IKAW ang MABUNTIS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.