Wala pang 2 buwang magnobyo Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo, pinaplano na ang kasalan!

HANGGANG NGAYON, ANG dami pa ring nangungulit sa akin kung talagang totoo na raw ba ‘yang pagpapakasal ng bago kong alagang si Shalani Soledad at si Cong. Roman Romulo.

Eh, sa totoo lang, kahit ako hindi rin makapaniwala hanggang ngayon.

Nu’ng nag-usap kami ni Shalani, ganu’n din ang naramdaman niya.

Hindi raw niya maipaliwanag kung ano ang naramdaman niya. Basta dumating na lang daw ang ganu’ng feelings nang manligaw sa kanya si Roman at sobrang bilis ng mga pangyayari, nag-propose na ng kasal at tinanggap naman niya.

Gusto nga ni Shalani na kasama ako sa get together ng pamilya para magkakilala na silang lahat.

Wala pa yatang dalawang buwan ang kanilang relasyon, pinaplano na ang kasalan kaya hindi pa nga talaga sila magkakilala nang husto pati ang pamilya nila.

Pero hindi naman natin saklaw ang naramdaman nila sa isa’t isa kaya i-wish na lang natin sila na maging maayos ang lahat at tuluy-tuloy na maganda ang kanilang relasyon.

Wala pa naman silang final date ng kasal, pero pinag-iisipan na raw nila kung hindi January, February next year.

Kaya kaabang-abang iyan dahil mara-ming mga taong involved ang guguluhin sa kasalan na iyan.

Isa na d’yan siyempre si P-Noy na tiyak na kukunan ng reaksyon sa pagpapakasal ng dating girlfriend.

Ang isa pang hihingan din ng reaksyon ay si Willie Revillame dahil na-in love din iyan noon kay Shalani.

Alam naman ‘yan ni Willie noon pa, eh. Kaya tanggap na niya iyan.

May mga nagtatanong din sa akin kung tuloy pa rin ba si Shalani sa paghu-host sa Wil Time Bigtime ‘pag kasal na ito.

Depende pa rin sa kanya iyan siyempre. Baka gusto na lang niyang mag-plain housewife, choice niya ‘yun.

Wala namang sinasabi si Willie na kapag Mrs. Romulo na siya maghahanap na siya ng ibang co-host.

Kung matutuloy si Mariel Rodriguez sa Wil Time, puwede pa rin namang kasali rin si Shalani.

Siya na ang bahala kung gusto pa niyang ituloy ang kanyang showbiz career.

Alam ko, may binabalak pa nga si Boss Vic del Rosario na show para sa kanya na pagsasamahan daw nila ni Papa Erap, pero ewan ko kung tuloy pa ‘yun.

Abangan na lang natin!

 

MALAKI ANG PASASALAMAT ni Mark Herras kay Cesar Montano dahil sa malaking break na ibinigay sa kanya sa pelikulang Hitman na pinagbidahan at dinirek ni Cesar.

Napaka-challenging na role ang ibinigay nila kay Mark at talagang inalagaan ni Cesar ang karakter dito ni Mark.

Hindi lang nga si Cesar ang nagtitiyaga na magturo kay Mark kundi pati si Phillip Salvador na kasali rin sa pelikulang ito.

Pati rin si Ricky Davao na madalas na kaeksena ni Mark ay ginagabayan pa niya ito para maganda ang kalalabasan ng role ng alaga ko.

Kaya ibang Mark daw ang mapapanood dito sa Hitman. First time ni Mark na gampanan itong role na mabait daw pero may kakaibang karakter siya rito na surprise daw ‘yun sa mga manonood.

Hindi nga maikuwento ni Mark ang buong detalye ng role niya dahil may surprise nga rito.

Basta ang laking hirap niya sa role niya rito na inaasa-hang magugustuhan ng mga fans niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Wala pang 2 buwang magnobyo Shalani Soledad at Cong. Roman Romulo, pinaplano na ang kasalan!

  1. So what kung wala pang dalawang buwan lang nagnobyo sila at may planong pakasal na. It is not about the time Lolit, it is the connection, commitment, respect and love for each other that matters. My husband is an American and we only knew each other for 3 months thru letters and phone calls before we met in person and within 6 months from the time we started writing to each other, we got married and now we have been married for 26 years already and we are still happily married and my husband and i made promises that divorce is not an option to our marriage and if we have problems we need to solve it like real adults. Kaya yong tonog ng title mo is wrong, Kasi connection, commitment, respect, love and QUALITY OF TIME is what matters AND NOT QUANTITY OF TIME.

  2. @Leonila, agree ako sa iyo, ba’t pa ba kinuha ni Willie si Mariel, maging jinx lang itong si Mariel maski saan ito pupunta. Kung tingnan mo ang mga comments dito sa Pinoy Parazzi at doon din sa Pep.com, nakakahiya ang mga pinagsasabi ng mga comments about Mariel. Sanan mabasa itong mga comments ni Mariel mismo. Pati si Binoy nadamay tuloy ang reputasyon dahil kay Mariel. Sayang.

  3. PALAGAY KO NA GAYUMA YAN AT MAGIGISING LANG SA KATOTOHANAN PAG SAMPU NA ANAK NILA……….HAHAHAHA………..OK NA YAN KESA KAY WILLY NA BALAHURA AT UBOD NG YABANG

  4. Ang hilig pala tlga nitong c Shalani sa mga mukhang tatay na noh? She is after tlga sa isang father figure. Ay mali pla c Penoy pla eh mukhang lolo na hehehe. Itong Roman nmn eh mukha na tlgang sandosena anak. But wish them both all the luck……..

  5. hahixt…si shalani ang pinag-uusapan dto… at yung bf niya..bakit nyo dinadamay si PNOY at kanyang mga KAPATID… be careful naman po sa mga words niyo po..Below the belt namn nyang sinasabi nyo eh..Hai naku..talaga ang mga tao..todo panira kay KRIS..A.. ka NEGAHAN lang siguro alam niyo ano..Before you Judge other people..look at yourself first..KAhiya nmn kayo…Judge kayo ng Judge..pero ang totoo pala..mas nakakadiri pa kayo sa kanya..

  6. Naku sana magisip si Willie Revillame ,sana huwag niya kunin si Mariel sobra arte nya wala pang dating,magaling inpa si Alex Gonzaga idagdag nya nakakaaliw na bata masayahin

  7. Mas bagay nman  si shalani kay Roman.excuse me! Kung kkay ppinoy  sabi kko nnga noon ano ba nman ito si shalani walang taste. Kaganda gandang babae eh pinatulan si Pnoy  no offense . Mas bagay siyang 1st lady.anong say mo Kristeta. Kung sakali tatakbo ng Pres.  si roman why not?.. Everybody iis entitled to run.

  8. e ano naman ngayon??? shalani deserves to be happy with a man who truly loves her..di gaya ng ibang lalake diyan na WALANG BUTO gaya ng X BF niya! sino nga ba yung X niya?? ung may mga sisters na kampon ni BRUHILDA!! di kasi matanggap na nag number one si shalani sa google most search filipina..granted na sumikat siya because of her X..e ung number 2 sa list??? pano ba siya sumikat??? e di dahil din sa parents niya!! hay! tumingin muna kasi sa sariling bakuran bago tumingin sa ibang bakuran.

  9. sa hitsura ni shalani, kala mo nde maka basag pinggan. pero sa totoo lang, nasa loob ang kulo nya! e sa totoo namang nung sila pa ni pnoy, ang hinihintay na lang nya ay marriage proposal, e kaso nde nangyari. kaya yan, um-oo agad nung may nag offer ng kasal. isa pa, huthutera talaga ang pamilya nyan ni shalani. nung nagta-trabaho pa sa kuwait ang nanay nya, ang dami kayang kinabitan nun para magka-pera! hanggang ngayon, ganun pa rin ugali ng nanay … no wonder namana ni shalani ang pagiging gold digger. cheap!

Leave a Reply

Your email address will not be published.