WALA PALANG PINAG-IBA ang ‘di kagandahan ng hitsura ng gay comedian na ito sa kanyang pag-uugali.

WALA PALANG PINAG-IBA ang ‘di kagandahan ng hitsura ng gay comedian na ito sa kanyang pag-uugali.

Ayon kasi sa aming source, nito lang nakaraang pista sa isang probinsiya sa south, pinaasa lang ni gay comedian ang may-ari ng isang comedy bar doon. Ang siste, kinuha raw ang serbisyo nitong si gay comedian na mag-perform sa comedy bar na iyon, komo’t kapistahan at ‘big night’ nga raw. Special guest pa ng nagmamagandang gay comedian ang isang batang komedyante na nakilala sa pagsigaw ng ‘lili-lili’.

Heto na, noon daw mismong gabi ng show, bigla na lang may-I-back out ang bakla! Nag-inarte na itong ‘di na type na mag-show, kahit pa nga nakatango na ito. Kaloka! Hindi na nga ka-honor-honor ang fez… ‘di pa rin pala nito alam ang salitang palabra de honor!

Wala namang nagawa ang may-ari ng bar, kundi gawing ‘main event’ na lang ang special guest lang sanang ‘foreign object comedian’ na sa totoo lang, hindi pa nagsasalita ay nakaaaliw na ang hitsura at hindi nakakasulasok, ha?

Ang mas nakakaloka, ang dahilan ng baklang komedyante kumbakit tumanggi na itong mag-show sa comedy bar: wiz niya raw type ang hotel kung saan siya pinag-i-stay. Pangit daw! Naku naman… ang mga lamang-dagat talaga, nakatuntong sa lupa… ‘yun na!

(Danilo Jaime Flores)

loading...

2 thoughts on “WALA PALANG PINAG-IBA ang ‘di kagandahan ng hitsura ng gay comedian na ito sa kanyang pag-uugali.

Leave a Reply

Your email address will not be published.