Wala Nang Mailabas na Ebidensiya Prosekusyon, umatras na!

TINAPOS NA ng prosecution ang kanilang kaso, makaraang iatras nito ang pagla-latag ng ebidensiya sa limang article ng impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“Your honor, Mr. President, it’s our humble submission that we have already presented a strong case and the evidence that we have laid down suffices for the removal from office of Chief Justice Corona for betrayal of public trust with the presentation of Articles 3, 7 and specially 2,” pahayag ni chief prosecutor at Iloilo Representative Niel Tupas, Jr. sa ika-25 araw ng impeachment trial ni Corona.

Kaugnay sa mga Article 1, 8, 4, 5 at 6 na kasama sa complaint, sinabi ni Tupas na na nagdesisyon ang prosecution team na iatras na ang mga ito.

Hiniling naman ng Impeachment Court, sa pamamagitan ni presiding officer Sen. Juan Ponce Enrile, sa prosecution team na magsumite ng kanilang pormal na ‘notice’ sa pag-atras sa limang articles of impeachment.

Ayon naman sa ilang tagamasid sa nagaganap na impeachment trial, tila naubusan ng malalakas na ebidensiya ang prosekusyon kung kaya’t hindi na magawa nitong iprisinta ang lima pang article.

Lalo lang umanong pinatunayan ng prosecution na ‘minadali’ ang paghahain ng impeachment complaint laban sa punong mahistrado, at wala talagang ebidensiya ang prosekusyon para patunayan ang kanilang alegasyon laban kay Corona, na kung ilang ulit na ring inireklamo ng depensa na namimingwit lang ng ebidensiya ang prosekusyon, ayon sa impeachment trial observer na ayaw magpabanggit ng pangalan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.