Wala nang lunas ang sakit Kelot, Binoga ang Sarili

DAHIL SA matinding problema hinggil umano sa karamdaman, nagbaril sa sarili ang isang lalaki sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela.

Ayon sa ina ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Jefferson at nasa tamang gulang, kamakailan ay kinausap siya ng anak at inamin ang malubhang karamdaman na wala ng kalunasan.

Matapos umanong umamin ang anak ay tumakbo ito patungo sa kwarto nila ng asawa at kinuha ang 9mm pistol na pag-aari ng kanyang asawa at nagbaril sa kanang sentido.

Bagama’t pinigilan ang anak ay itinuloy pa rin nito ang pagbaril sa sarili. Naisugod pa sa ospital ang nagpakamatay subalit binawian din ng buhay.

Samantala, tumanggi naman ang ina ng biktima na banggitin kung ano ang sinasabing malubhang karamdaman ng anak.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.