WALA NANG KAWALA: Dennis Trillo, future husband na ni Jennylyn Mercado

Dennis Trillo

CLOSE NA CLOSE talaga ang magkarelasyon na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Sa katunayan, maging ang mga pamilya nila ay mag-chummy na at tanggap ng mga ito ang pamilya ng isa’t isa.

Last Christmas season, both families ay tanggap ang dalawa na walang kumo-kontrata sa relasyon ng dalawa.

Kung noon ay less talk lang si Dennis na ayaw idetalye ang relasyon niya with Jennylyn, this time, tila mas open na ang aktor kapag tinatanong sa kanya ang aktres.

Pwede na nga magsalita si Dennis tungkol sa relasyon nila ni Jennylyn na dati’y hirap na hirap bumitaw ng paliwanag ang aktor kapag inuurirat sa kanya.

Open na ang aktor tungkol sa kanila ni Jennylyn. Mas seryoso na siya mula nang maging maigi ang relasyon nila nang magkabalikan sila.

Pahayag ni Dennis: “Habang tumatanda ka , marami kang natutunan. Mas nagma-matured ka. Nagiging matino ‘yung pag-iisip mo,” sabi niya.

 

🖤

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo) on

Sa panayam, may malinaw na future na ang aktor sa relasyon nila ng aktres.

Naniniwala siya na si Jennylyn na mapapangasawa niya. Kumbaga, Dennis declares Jennylyn is his future wife. Sabi niya: “Masaya kaming dalawa. Wala kaming problema,” sabi niya.

Simula sa Lunes, Dennis will be back on primetime television via ”The One That Got Away” starting January 15.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “WALA NANG KAWALA: Dennis Trillo, future husband na ni Jennylyn Mercado

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.