Wala nang babalikang trabaho sa ‘Pinas Mo Twister, may naghihintay nang kaso!

FOR OBVIOUS reasons, Kuya Dan, wala kami sa pambuena manong presscon ng GMA announcing its lineup of shows this 2012.

But more than having been accustomed to this non-invitational practice, isa sa mga tagpo roon ay maihahalintulad sa isang latang naglalaman ng mga uod na nabuksan without the use of a can-opener. Ayon sa mga naiulat, masaya ang entertainment press if only for their first-time experience na “hubaran” si GMA Chairman & CEO Atty. Felipe L. Gozon, disrobing his corporate cloak na jologs sumagot sa mga pinakasensitibong tanong.

Isa na rito ay ang tanong kung nagsisisi ba ang pamunuan ng GMA sa pagkupkop kay Claudine Barretto mula sa dati nitong taha-nan, ang ABS-CBN? FLG, as he’s known internally, nary said a word. Maging ang paborito ng lahat na si WVG (Ma’am Wilma G. Galvante, EVP of Entertainment TV) was speechless.

Nasabi tuloy ng nagtanong na reporter: “That answers my question.”

This much this writer knows about Claudine. Totoong nag-iwan siya ng pilat sa ABS-CBN nang magpasya siyang lumipat sa GMA, after all, she traces her roots to her former station. In our constant talks with people that Claudine had worked with over at ABS-CBN, panay ang kanilang tanong how the actress was getting along with her newfound home.

Walang bahid ng pang-iintriga ‘yon, bagkus ay nagmamalasakit sila sa isang “prodigal talent” whose baptism of fire on GMA was not doing so well.

Idagdag pa ang umano’y attitude problem ni Claudine na inirereklamo na ng kanyang mga katrabaho sa GMA: from “hypochondria” (feeling may sakit pero nag-iinarte lang) to “hysteria” (such was her “bank scene” that validated that indeed there existed a problem with her marriage to Raymart Santiago) …na kulang na lang ay indahin ni Clau-Clau ang hysterectomy!

Evidently, “outcast” si Claudine sa mga upcoming shows ng GMA this 2012. So, saan kayang istasyon pupulutin ang mahusay pa namang aktres in this Year of the Water Dragon… sa water din kaya amidst a fire-spewing mythical dragon para malapnos ang kanyang balat to be replaced with a renewed skin to better her career behavior?

 

HINDI PA man iniaapak ni Mo Twister ang kanyang mga paa sa NAIA ay kasado na ang inihaing asunto laban sa kanya ng GMA. Tungkol pa rin ito sa umano’y unchivalrous act, ayon na rin sa ace legal expert na si Atty. Felipe L. Gozon, na ipinamalas ni Mo laban sa dating nobyang si Rhian Ramos.

In the words of Atty. Gozon, “Si Mo, idinemanda na namin. There is a case waiting for him if he returns to the Philippines. What he did was very ungentlemanly, to say the least.”

Iiwanan muna namin si Rhian whose career is like a commuter waiting for a passenger train at the terminal nang walang katiyakan kung kailan darating ang sasakyan niya sa riles.

Unlike Rhian, wala nang babalikang hosting job si Mo sa Paparazzi, after all, its main host Cristy Fermin has declared war against him for his misdemeanour bilang laglagerong katrabaho.With his undesirable image, marahil, no interested TV station will dare offer Mo jobs.

Tsk, tsk, tsk… this  early, Mo has invited the Water Dragon into his career. With elements like water and fire strangely combined in Chinese astrology, hindi kinaya ng tubig para maapula ni Mo ang mala-dragong apoy dulot ng kanyang sariling katsipan!

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

10 thoughts on “Wala nang babalikang trabaho sa ‘Pinas Mo Twister, may naghihintay nang kaso!

  1. halatang namumulot ng vocabulary ang writer at di marunong mag ingles, sinusubakan nyang gamitin ang mga words pero ang dating ng English Cinstruction nya ay parang pilit na nagpapaimpress, learn grammar first before surfin in  to high sounding words ha ha ha ha ha 

  2. Tangaalin nyo si cristy plastic naman yan s juicy… Haayyy kung hndi lang kay shalala hndi masaya ang juicy.. Hndi n ri. Ako nanonood ng juicy nakakinis lang si cristy tupperware ang kaplastikan…

  3. I agree with you guys. Juicy will be better if it’s just only Shalala,IC,and Alex. Si Cristy kasi paulit ulit lang naman ang mga binabalita. She needs to retire and spend her money. Hindi na sya kailangan sa showbiz intrigue. Ang balita nya lagi paulit-ulit, yung mga malalapit sa kanya.

  4. How I wish God wil send ASAP his prosecutor to prosecute MO of the devilsh acts he has done! He is a tree that will never bear good fruit and therefore should be cut down and thrown to the fire – this is really the verdict that he deserves..

  5. @martinakamilla, hahahahahaha, nandito pala sa paparazzi nasulat yon, nanduun sa ibaba. I forgot to take my dementia pills…. hahahahahahaha…..

  6. @martinakamilla, or baka sa hatawtabloid.com siguro yun, hindi ko na maalala kung saan ko nabasa yong panalo na 3 M ni Willie…..

  7. @martinakamilla, nabasa ko rin, parang sa remate.ph yata yon na nanalo daw si Willie ng 3 M sa isang casino daw sa Macaw ba yon? Siguradong tuwang tuwa na naman ang nanay nanayan niyang si Cristy. Sigurado akong tataas ang ratings ng Juicy kung patalsikin si Cristy Fermin sa show na yon at lagyan ng mas may kredibilidad, yong fair. Kasi parang klarong klaro kasi sa pananalita ni Cristy na yong mga close sa kanya hindi sinisiraan, nakakakaawa naman yong mga maliit na talent na hindi man lang makapag air ng sides nila kung totoo ba o hindi. Not fair……….

  8. oo tama ka maria nakakainis si cristy fermin sa juicy, halatang plastik eh yung mga artista na nde nag-aabot sa kanya eh head over heels kung alitin nya… pero pagdating kay willie kala mo santo na eh..hahahahahaha… kung nde lang dahil kay shalala at alex nde aq manonood ng juicy….

  9. Nakarma na kasi yan si Mo, ang daming pinaiyak na tao niya lalo na yong may radio station pa siya. Kailangan talaga hindi lalaki ang ulo while you are at the top of your game kasi hindi mo pa rin alam kung kailan ka lalaos. Kaya eye opener ito sa iba diyan na masasama ang ugali at walang preno kong makapanglait sa ibang mga artist kayaga ni Cristy Fermin. Sana si Cristy Fermin din idemanda sa mga pinagsasabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.