Wala nang babae at casino Jinkee Pacquiao, lalo raw gumanda dahil nagtino na si Manny Pacquiao!

HINDI NA ako nakadalo sa kasal nina Shalani at Cong. Roman Romulo nu’ng nakaraang Linggo.

Ang layo naman kasi nang pinagdausan, eh. Ayoko namang gabihin ako nang husto. Kaya kahit text nang text sa akin si Shalani, hindi ko na talaga siya napagbigyan.

Gusto ko na lang maging parehas sa mga alaga ko, kasi hindi rin ako nakadalo nu’n sa kasal nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Tinawagan nga niya ako pagkatapos ng kasal. Hay, naku! Kung anu-ano na lang nasabi ko sa kanya, kasi naman ang layo at mahihirapan na akong umuwi ‘pag ganu’n na kagabi.

Masaya naman si Shalani sa kasal niya, at sana nga mabuntis na ito agad para magka-baby na sila.

Bago ang kanilang kasal, natsismis pang buntis daw si Shalani pero hindi naman totoo ‘yun.

Kung totoong buntis ito, eh ‘di sana in-announce na niya sa kasal nila.

Kung si Shalani ang tatanungin, gusto niyang bumalik sa hosting sa Wil Time Bigtime, pero depende pa ‘yan kay Cong. Roman kung papayagan pa siyang mag-showbiz.

 

ANG LAKI nga nang iginanda ni Jinkee Pacquiao nang nakunan ito ng Startalk sa pictorial ng Belomed nu’ng nakaraang linggo.

Siyempre sa tulong ni Belo kaya lalo siyang gumanda. Pero ang isa nga raw sa iginanda niya ay ang malaking pagbabago ni Manny Pacquiao.

Tuwang-tuwa si Jinkee sa pagkuwento na magkasama nga raw sila ng asawa niya na nagsisimba at nagba-Bible study.

Umiiwas na rin itong ma-link sa kung kani-kaninong babae, at behaved na raw ito talaga, lalo na’t sila ang laging magkasama.

Pati nga raw ang pagka-casino ay tinigilan na rin Manny kaya malaki ang pasasalamat ni Jinkee at ipinagdarasal nitong sana tuluy-tuloy na itong pagbabago ng kanyang asawa.

“Hindi na talaga. Tumigil na siya,” pakli ni Jinkee.

“Ganu’n talaga sa umpisa ‘pag sikat ka, ‘pag may pera. Parang hindi mo alam kung paano mo gastusin. Kasi alam naman natin na malaki ang kinikita niya. So parang hindi na niya maisip kung paano gamitin ‘yun, paano gastusin ang pera na ‘to,” pahayag pa nito.

Sabi naman ni Manny, “Malaki siguro ang pagbabago dahil ngayon siyempre nasa mabuting daan tayo at sumusunod tayo sa banal na kautusan ng Panginoon at wala na ‘yung mga masasamang ginagawa natin na hindi sa Panginoon.”

Kaya bagong taon, bagong Manny na raw talaga siya ngayon na ikinatuwa naman ng mga taong malapit sa mag-asawa.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Wala nang babae at casino Jinkee Pacquiao, lalo raw gumanda dahil nagtino na si Manny Pacquiao!

  1. HA? lolit, ang laki ng ginanda ni jinkee kamo? hahahaha tarantadah kah! e plastic surgery na nga yun noh. anu pa ikagaganda ng mukhang fez ng hitad?!

  2. babalik din yang si pacman sa pag susugal at pambababae. imposibleng magbago si pacquiao. dapat pa daw magretoke si jinkee ng bonggang bongga, kulang pa daw para tumino si pacman HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.