Wala namang makuhang magandang proyekto Paulo Avelino, pinipigilan ng Siyete na lumipat sa Dos

KUNG HINDI NGA lang maagang nasadlak sa pagiging ama, tiyak na mas ngingitian ng magandang kapalaran ang produkto ng Starstruck ng GMA na si Paulo Avelino. No doubt, he is a star material na nangangailangan pa, ‘ika nga, ng konting pagtasa kumbaga sa lapis.

Paulo almost got there, kung saan mang destinasyon ang nais niyang marating. But his career got derailed somewhere nang mabuntis niya ang isang Starstruck alumna na si LJ Reyes, such relationship that they had kept under the rug only to see them own up to a pre-marital sex nang magbuntis ang aktres, manganak at hanggang ngayo’y nananatiling dalaga pa rin despite her motherhood.

Tinangkang i-reinvent ni Paulo ang kanyang image. In a forgettable GMA teleserye, Paulo even sported a hairstyle that sadly did not enhance his good looks, bagkus ay nagmukha pa siyang junior version ni Jeorge Estregan in his addict-looking, tomahawk hairdo that could pass for a skunk.

Si Paulo rin ang napisil noon bilang isa sa mga male lead star ng Temptation Island, ewan kung sino ang pumalit sa kanya between Tom Rodriguez and non-actor Aljur Abrenica.

Now, the buzz is afloat. Paulo is moving in to ABS-CBN, pero totoo nga bang may bargaining agreement ang istasyon to prevent his transfer? Why keep Paulo tied to a contract kung wala namang naibibigay na magandang proyekto sa kanya? For all GMA knows, there awaits a much better future for Paulo with ABS-CBN, kung paanong hindi lang naman si Paulo ang nag-iisang produkto ng Starstruck na noong sumakabilang-bakod have made bigger names?

After all, sa bandang huli, ang mga batang ito—like Cristine Reyes, Je-wel Mische, Megan Young, Mart Escu-dero  (oh, the list seems to be getting longer)—will always look back and express their gratitude towards GMA.

 

KUNG SIYA’Y PAMIMILIIN, Eugene Domingo would like to be hailed as the Crossover Queen.

Simple lang ang paliwanag ni Uge kung bakit ito ang kanyang nais ibansag sa sarili.  “Crossover Queen kasi puwede ako sa entablado, puwede ako sa pelikula, puwede rin akong magtrabaho sa iba’t ibang TV network.”

Sa mga hindi nakakaalam, Uge traces her academic roots to the University of the Philippines where she earned a theatre arts degree. Even before she stepped into college (inamin niyang hindi sila nakakariwasa noon sa buhay) ay pangarap na niyang pumasok sa showbiz.

“Kahit nasa bahay ako, ginagawa ko ang acting ni ganyan, nagda-drama ako, nagko-comedy ko, that’s why I knew I wanted to be an actress. Luckily, I had friends who helped me get into showbiz,” sey ng 7th Cinemalaya Film Festival Best Actress for her performance (as herself) in Ang Babae Sa Septic Tank.

Looking back, ni sa hinagap daw ay hindi inisip ng hitad na mararating niya ang kanyang kinalalagyan nga-yon. No doubt, the Crossover Queen reigns supreme in a department not even her coursemate (at UP) Candy Pangilinan has come closest to.

 

USAPANG KABAKLAAN ANG hatid ng episode ng Face To Face nga-yong Miyerkules na pinamagatang Hitad Na Bar Manager, Nanga-ngalabit… Pati Sa Tip Ng Mga Alaga Nangu-ngupit? Kung saan isa sa mga papagitnang tagapayo muli ay si Tetchie Agbayani.

Hinaing ito ni Jordan, isang macho  dancer, na pinepersonal daw ng dati niyang karelasyong si Lenard. Kesyo sinisiraan daw ni Lenard si Jordan sa mga parokyano, pero ganting-sagot ng vaklesh ay ano pa raw ba ang sisirain sa sira-sira nang dyowa niya? Reklamo naman ng waiter sa bar na si Edgardo, kinakatkong daw ni Lenard ang tip nila. Maging ang DJ ng bar, may isyu rin sa bading tungkol sa tipping.

Nakatagpo naman ng kakampi si Lenard kay Gerald, ang bago raw niyang papa. As a psychology professor, ano kaya ang sound advice ni Tetchie sa dating magdyowa?

Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang Dahil Iniwan Ng Kinakasama, Lasenggong Tatay Ibinunton Ang Galit Sa Mga Anak Niya! Wala raw kuwenta si Agustin dahil iniwan niya ang kanyang mga anak sa kapatid nitong si Imelda sa loob ng walong taon, upang bigyang-daan ang ikalawa niyang kinakasama na si Lizel.

Pero sa kabila ng pagmamatigas ni Agustin na isa siyang responsableng ama, naloka siya nang ibuhos ng kanyang mga anak ang kanilang sentimyento sa ama.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

8 thoughts on “Wala namang makuhang magandang proyekto Paulo Avelino, pinipigilan ng Siyete na lumipat sa Dos

  1. Paulo, if you’re reading this, make that big leap NOW! 
    alam mo naman kung saan ka magiging mahusay as an actor. alam mo kung saan ka pwedeng maging popular at mabigyan ng pagkakataon to portray different and challenging roles.  spell A-B-S-C-B-N.

  2. mas magiging okay si Paulo sa ABS talaga. mas magiging popular siya dun. kung mag-stay siya sa GMA ano naman ang ibibigay sa kanya? secondary lead roles? tapos after ng isang show ano na? secondary lead ulit? ni hindi marunong mag-hype ang GMA. takot silang magbigay ng big project sa isang may pamilya na. tingnan mo si Dennis Trillo kahit magaling eh hindi masyadong hina-hype kasi may anak na.

  3. Lumipat ka nlng sa abs mas gaganda ang takbo ng career m0 dun kysa sa gma.,at isa pa sa abs andun ang magagaling at magagandang artista.,sana cna heart at claudine bumalik na cla sa abs kc parang 2ud umarti ang mga taga kanguso.,

  4. Lumipat ka nlng sa abs mas gaganda ang takbo ng career m0 dun kysa sa gma.,at isa pa sa abs andun ang gma magagaling at magagandang artista.,sana cna heart at claudine bumalik na cla sa abs kc parang 2ud umarti ang mga taga kanguso.,

  5. good luck paulo…ingat sa mga bading dyan..kung di ka kakabit sa kanila, matetengga ka dyan….tingnan mo si tom rodriguez, ayaw nya kasi kaya ganyan lang sya kahit ok naman sya…

Leave a Reply

Your email address will not be published.