Wala na sa bansa; ‘Arlene’, tumakas

KINUMPIRMA NG Bureau of Immigration (BI) na nakalabas ng bansa ang isa sa mga sinisiyasat na “Ma’am Arlene” na tinaguriang court fixer sa Court of Appeals (CA).

Ayon kay BI Commissioner Sigfried Mison nitong October 16, 2013 lamang nakalabas ng bansa si Arlene Angeles Lerma.

Si Lerma, na may date of birth na July 1, 1968, ay bumiyahe umano sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight patungong Singapore sakay ng Philippine Airlines (PAL).

Nabatid na si Lerma ay isa sa tatlong “Ma’am Arlene” na sinisiyasat dahil sa umano’y pagiging maimpluwensya sa mga hukom ng mga Regional Trial Court at mahistrado ng CA.

Sinasabing may papel din umano ang isang “Ma’am Arlene” sa kontrobersiya hinggil sa katatapos pa lamang na halalan ng mga opisyal ng Philippine Judges Association.

Napag-alaman din na si Lerma ay sumasailalim sa medical treatment at sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong buwan ay malimit daw itong bumiyahe palabas at pabalik ng bansa para magpagamot.

Samantala, bumuo ang Supreme Court (SC) ng komite na pinamumunuan ni Associate Justice Marvic Leonen kasama ng dalawang retired justices para sa imbestigasyon sa sinasabing tinaguriang “Ma’am Arlene”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.