Wala na raw pag-asang magkabalikan pa sila
Ynna Asistio, walang maipipintas sa ex-BF na si Mark Herras

ISANG KAPAMILYA na pala ngayon ang panganay na anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio.

Nakatakda na ring pumirma ng kontrata si Ynna under Star Magic anytime soon para mangalaga sa kanyang career, mula sa dati nitong manager na si Tita Annabelle Rama na nakaaway pa nila ng kanyang ina at nauwi sa demandahan.

But all’s well that ends well na ngayon para sa magkabilang kampo.

Sa Maalaala Mo Kaya unang mapapanood sa August 24 si Ynna.

Nang kumustahin namin ang dalaga nang makita namin ito, kasama ang kaibigan ng kanyang mommy na si Sylvia Sanchez, kung may pag-asa pa kayang magkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras, heto ang kanyang sagot: “Hindi po. Pero may communication pa rin naman po kami. Nagkukumustahan, pero hanggang doon lang po.”

Nu’ng bagong hiwalay nga raw nila ay mas madalas pa rin daw silang mag-usap sa cellphone. Pero hindi raw sila nagtatanungan kung may idine-date na sila pareho.

Sa ngayon ay may isang buwan na raw silang magkahiwalay ng Kapuso star na five years niyang naging jowa.

Buti na lang daw ay busy si Ynna ngayon sa pag-aaral sa Centro Escolar University sa Mendiola sa Manila at sa work.

Although hindi raw talaga inakala ng batang aktres na magkakahiwalay sila ni Mark. Feeling daw kasi ni Ynna ay na-stuck sila sa isa’t isa.

Mukhang kailangan na raw talaga nilang maghiwalay nang landas ng binata, lalo pa nga’t natuloy na siyang makalipat sa ABS-CBN.

Wala raw siyang maipipintas kay Mark, dahil mabait naman daw talaga ito.

Ang alam namin ay may nagpaparamdam na manligaw sa dalaga na non-showbiz, pero ayaw pa raw talaga ni Ynna na magka-boyfriend ulit.

“Career muna po. Trabaho muna,” pagtatapos ni Ynna.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “Wala na raw pag-asang magkabalikan pa sila
Ynna Asistio, walang maipipintas sa ex-BF na si Mark Herras

    • Hahahahaha, bakit nakita mo ba yong picture nya sa internet na naglalaro ng hold em up and stick it up? hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.