Wala na raw hilig sa mga lalaki… Rufa Mae, Ipinagdiriwang ang pagiging Single?!

NAUWI RIN PALA sa wala ang napabalita noon na relasyon kuno nitong si Rufa Mae Quinto sa isang secret guy na kamakailan lang ay nakilalang si Mr. M. Wala na sila as in wala na talaga sila ni P-chi kaya wala nang magaganap na sakalan… este, kasalan pala! Ha-ha, chos!

Dahil sa broken-hearted si Booba eh, may tsika raw na ipinagdiriwang ng hitad ang kanyang pagiging single na naman? He-he! Trulili ba itey, Mare? Kung totoo, anong masama d’un? At least natututong mag-move on at ipagpatuloy ang life deevah?

Kamakailan din ay may tsismaks na nali-link si P-chi sa Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide. May nakakita kasi na sinundo ng lola n’yo ang guwapong boylet sa taping ng Tweetbiz Insiders pero mariing itinanggi ito ni Rufa Mae at sinabi niya na napadaan lang daw siya ‘dun.

Hmmm… pumiyok din ang seksing aktres na wala na daw siyang hilig ngayon sa mga lalaki? Owwwsss? Maniwala kami… ha-ha! Samantala, narito si P-chi at ipinagdiriwang ang kanyang kalayaan. Tsuk!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Wala na raw hilig sa mga lalaki… Rufa Mae, Ipinagdiriwang ang pagiging Single?!

  1. ang mga lalaki mismo wala nang hilig sa kanya! hahaha ang tanda na nya noh! how old na ba siya? 69?

Leave a Reply

Your email address will not be published.