Wala lang kasing nagtatanong Carlos Agassi, ‘di itinatago ang pagkakaroon ng relasyon sa bading!

NAGBABALIK-SHOWBIZ NA NAMAN si Carlos Agassi, pagkatapos nang matagal-tagal din niyang pamamahinga. Para sa kanya, malungkot ang simula ng kanyang pansamantalang pamamahinga sa showbiz, dahil kung anu-anong paninira ang ipinagkakalat ng mga taong hindi niyang kasangga. Nariyan nga ‘yung isyung mayroon siyang malubhang karamdaman, at may taning na ang buhay. Pero ang katuwiran ng hunk actor, wala rin namang magandang offer noon sa kanya sa pelikula at telebisyon, kaya naging pasulpot-sulpot ang kanyang acting career.

Sa grand presscon ng Praybeyt Benjamin, umani ng katuwaan at pagkabigla ang naging pag-amin niya na mayroon na rin siyang naging karanasang sexual sa mga bading. Nang makorner namin siya pagkatapos ng presscon, ikinuwento niya na ang karanasan daw niyang iyon ay nangyari nu’ng mga disi-otso anyos pa lang siya, at nasundan pa iyon ng ganu’n ding karanasan sa ibang bading.

Walang binabanggit na pangalan si Carlos ng kung sinu-sinong bading ang nakasama niya sa karanasang iyon. Hindi rin naman daw siya umamin dahil lang sa ang kasamahan din niya sa pelikula na si Direk Eddie Garcia ay buong ningning na umamin, na nu’ng kanyang kabataan ay nagkaroon din siya ng karanasan sa bading.

“Ready naman akong sumagot sa tanong na ganyan. Kaya lang, kahit noon, walang naglakas ng loob na magtanong sa akin. Mahirap namang magkuwento ako basta kung wala namang nagtatanong. Ngayon lang may nagtanong, kaya sinabi ko lang ang totoo,” wika ni Carlos.

 

NAPAKASIPAG MAGTRABAHO NI Pokwang. Iyon ang isa sa positibo niyang ugali bilang artista. Hindi niya sinasagad ang kanyang sarili sa todo-todong trabaho, dahil alam niyang health is wealth namang talaga, lalo pa’t mayroon siyang inspirasyong anak na dalagita. Pero sa lahat ng ayaw ng sikat na komedyana ay ‘yung magpahinga siya dahil wala na siyang matatrabaho. Kaya kitang-kita naman sa kanyang kabuhayan ngayon ang ebidensiya ng kanyang pagsisikap, dahil umunlad talaga siya.

Ngayong buwan ng September, tapos na raw ang kontrata ni Pokwang sa ABS-CBN. Pero sa ngayon ay patuloy pa siyang napapanood sa Happy, Yipee, Yehey!. Pero dahil tapos na nga ang kanyang contract sa Kapamilya Network, marami na rin ang nag-aabang kung pipirma ba ulit siya ng panibagong kontrata sa Dos o katulad ni Mariel Rodriguez ay sa programa na rin ng dating kasamahang si Willie Revillame sa TV5 siya mapapanood?

Mahalaga para kay Pokwang ang kanyang trabaho, ganu’n na rin ang kapwa niya mga artistang nakakasama sa mga trabaho. Sa katunayan, inamin ng komedyana sa isa niyang kaibigan na apat na araw nilang iniyakan ni Mariel ang tungkol sa paglipat sa TV5 ng wife ni Robin Padilla.

‘Yung naging tampuhan nina Pokwang at Willie ay tampuhan lang ng mga dating magkakasama sa trabaho na naging malapit sa isa’t isa. Sa mga panahong ito, hindi imposibleng magkabati na sila ng todo at magkasamang muli sa trabaho.  Uso kaya ang lipatan ngayon ng mga artista sa ibang network.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

12 thoughts on “Wala lang kasing nagtatanong Carlos Agassi, ‘di itinatago ang pagkakaroon ng relasyon sa bading!

  1. dyukla naman yang amir na yan, hilig lang magpalaki ng katawan para magmukhang barako pero ang totoo, dyuding yan.

    • Eh anu ngayon? He wants to be fit and healthy and want to look good and muscular. Anu ba paki natin sa kanya? Marami kasing bading nagpapakababae which is unecessary. Kung may bading na binabae pwede namang may bading na lalaki tingnan after all may titi pa rin naman sila so anu problema dun? Kumplikado ang buhay para maintindihan so tanggapin na lang natin kung anu man siya at anu ang gusto nya mangyari sa buhay nya tutal buhay nya yan. baka kasi yung iba naiinggit o insecure lang. Likas kasi sa mga pinoy ang inggitero o kung hindi ay utak talangka hahatakin pababa ang iba para may kadamay sila sa pagkamiserable nila.

  2. i admire Carlos for being honest , i believe that he is a good actor and given the right project, he could prove his worth. As for Pokwang, wag ka lilipat ng network , TFC subscribers love you as proven by your numerous out of the country gigs. Remain a Kapamilya Pokie, TV5 is just a hype, malalaos ka lng duon tulad ng ibang lumipat. Wag ka masilaw sa pera, bukod sa punong puno ng mga negatibong tao ang TV5 like DJ MO, Cristy Fermin, Willie Revillame at Ruffa Gutierrez.

  3. hindi na kasi pinag uusapan kaya kailangan maglabas ng mga baho para pag usapan…mas maganda kung aamin na siya na isa syang bakla

  4. I remember may blind item noon about this man at ang mga nag comment sinabing si Carlos Agassi daw iyong nasa blind item na tinutukoy na may gf daw na singer at ang comments sa blind item si ZsaZsa daw ang gf. Totoo ba ito? Anybody knows?

  5. ———- bakla naman yang si carlos agassi ehh…..at yung about kay pokwang…ang masasabi ko lang MAGSAMA SAMA SILANG MGA PLASTIK….pokwang.willy.mariel.sarat geronimo.jenilyn mercado.toni gonzaga.cristy fermin.moo twister.maja.kim.

Leave a Reply

Your email address will not be published.