Waitress sa sabungan, ibinabahay pa rin ng aktor-pulitiko?!

MAY HINALA ANG mga trabahante ng isang sabungan sa Metro Manila na hanggang ngayon ay ibinabahay pa rin ng isang actor-turned-politician (pero hindi na ngayon) ang may hitsurang waitress sa cockpit na nagngangalang Cristine.

Hindi pa raw nagkakasakit ang ating bida ay madalas siyang laman ng sabungang ‘yon (na meron naman sa kanyang sariling bayan), du’n siya nabighani ni Cristine na noong maging nobya ay itinira niya sa isang fully-furnished apartment.

Pero ang hindi alam ng aktor-pulitiko, bukod sa kanya’y may “kasabungan” din si Cristine. At ang lalaking ‘yon ang mismong source ng inyong lingkod.

Kuwento nito sa amin: “One time nga, muntik na akong abutan ni (pangalan ng aktor-pulitiko) du’n sa apartment, kaya ang ginawa ko, umakyat ako sa kisame at isang araw akong nag-stay du’n. Hindi ako makababa kasi du’n natulog ‘yung syota ng syota ko, panigurado patay ako!”

Mula sa pagiging waitress ni Cristine ay umangat-angat ang kanyang buhay. Dagdag pa ng aming kausap: “Ikaw na ang bigyan ng sampu, beinte, treinta mil sa tuwing magkikita sila. Pinakamababa ‘yung diyes mil, kaya naman kahit paano, eh, naaambunan ako ng syota ko, padala-dalawang libo kung bigyan niya ‘ko.”

Pero hindi ba’t retirado na ang kanyang dating karibal?

“’Yun ang alam natin,” kuwento pa nito, “eh, malay naman natin kung may kontak pa sila ni Cristine hanggang ngayon? Ang hindi ko lang tiyak, eh, kung nagkaanak si Cristine sa kanya.  Eh, ‘di ba, ang dami-daming anak nu’n sa iba’t ibang babae?”

At napa-oo na lang kami.

(By Ronnie Carrasco III)

loading...

8 thoughts on “Waitress sa sabungan, ibinabahay pa rin ng aktor-pulitiko?!

  1. Tarantado ka buti na lang sinulat mo ito gago kang manunulat ka ituro mo sakin yang kaibigan mong hayup ka kung hndi pareho ka kayong papatiklo…Pupuntahan kita sa opisina nyo bukas mag-usap tayong animal ka

  2. Tama si Erap nga ito.  Si Sen Revilla Sr. di na pwede super tanda na. At buhay pa ba si Rogelio de la Rosa?

Leave a Reply

Your email address will not be published.