Waiter, Kritikal sa Kainuman

MALUBHANG NASUGATAN ang isang waiter matapos pagsasaksakin ng kainuman makaraan ang pagtatalo sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Quezon City General Hospital sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Mario Jarencio, 29 ng PNR 2, Bagumbong ng lungsod.

Nadakip naman ng mga pulis si Laberny Gonzales, 42, at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, dakong alas-7:20 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at suspek sa loob ng bahay ng huli nang magkaroon ng pagtatalo.

Nagpunta sa kusina ang suspek at pagbalik ay may dalang patalim at walang salitang pinagsaksak ang biktima.

Dinala ang biktima sa QCGH habang nada-kip naman ng mga pulis ang suspek at inaalam na kung ano ang pinagtalunan.

 (MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.