WAGI SA TAKILYA: Elmo Magalona at Janella Salvador, thankful sa mga fans na hindi sila pinabayaan

Elmo Magalona and Janella Salvador

BINABATI namin sina Elmo Magalona and Janella Salvador dahil sa first day of showing ng pelikula nila na My Fairy Tail Love Story ay humakot ng P4 million sa box-office ang pelikulang siksik sa kilig na kakaiba naman ang timpla at interpretasyon ni Direk Perci Intalan sa pelikula about mermaids.

Sa katunayan, nagulat ako sa interpretation about unconditional love ng mga karakter sa pelikulang produced ng Regal Entertainment nina Mother Lily and Ms. Roselle Monteverde.

Sa totoo lang, super effort naman kasi sina ElNella sa promotion ng movie nila na kung mahina-hina sila at kulang sa resistensya ay magkakasakit sila.

Elmo Magalona and Janella Salvador

Sayang nga lang at na cut-short ang Valentine’s dinner date nina Elmo at Janella dahil kinabukasan, February 15 ay kailangan naman nila lumipad patunong Puerto Princesa in Palawan for a promo mall tour.

Sa wakas, not bad na ang pagtitiyaga ng dalawa na umabot pa sa pagka-ospital ng dalaga ay nagkabunga at isang certified blockbuster hit ang pelikula nila.

           

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “WAGI SA TAKILYA: Elmo Magalona at Janella Salvador, thankful sa mga fans na hindi sila pinabayaan

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.