‘Wag na ngang magsalita COCO MARTIN, AYUSIN NA LANG ANG ANAK!

NAGSISIMULA NA SI Coco Martin na ayusin ang kanyang buhay. Siyempre, ang mga dahilan ng pagsasaayos na kanyang ginagawa ay dahil mayroon na siyang kakayahan ngayong maisaayos ang mga bagay-bagay, dahil maganda na ang takbo ng kanyang movie career, kaya ibig sabihin din noon ay kumikita na siya nang malaki, kumpara sa dati. Bago nagpainterbyu sa telebisyon kamakailan ang dating sexy actress na si Katherine Luna, nauna nang nagsalita na si Coco, na aayusin muna niya ang kanyang buhay.

Siguro, ang isusunod na niyang aayusin ay kung anuman ang dapat niyang gawin para sa diumano’y anak niya kay Katherine. Baka kasi naiinip na ang dating aktres sa kanyang paghihintay kung may suporta bang matatanggap ang kanyang anak sa ama nito. Pumalo kasi bigla ang kasikatan ni Coco nang kunin siya ng ABS-CBN, kaya mag-iisip ka talaga na baka milyones na ang kinikita niya. Pero ang totoo, ilang teleserye pa lang naman ang nagagawa niya. Talaga lang ito ang panahon niya para mapansin.

Hindi naman tatalab kay Coco ang sinasabing bad karma kung wala siyang intensiyon na talagang talikuran ang kanyang responsibilidad sa mga taong naghahabol sa kanya. Tama lang ang ginawa niya, na hindi na siya sumagot sa mga lintanyang pinakakawalan ni Katherine. Sa tuwing magpapainterbyu si Katherine sa talkshow, lagi namang ang isyu niya ay iresponsableng ama si Coco. Huwag na talaga siyang magsalita. Gawin na lang niya, na kung naayos na niya ang para sa kanyang sarili, ay isunod na niya ang dapat para sa kanyang anak.

NAPAKAHIRAP NANG PANIWALAAN ang mga salita at plano ni Nora Aunor tungkol sa kung kailan ba talaga siya uuwi ng Pilipinas. Lagi na kasing nabibigo ang mga nag-aabang sa kanyang pagbabalik. Nagpaparamdam na rin naman kasi siya na gusto na rin niya talagang magbalik-bayan. Nakikipag-communicate na siya sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, at isa na nga sa kanyang mga tinawagan ay ang lady scribe na si Ate Mercy Lejarde.

Umugong ang balitang itong buwan ng May ay darating na siya, pero wala pa rin. Nitong huli, ang pinsan na ng Superstar at dati ring sumikat na si Maribel “Lala” Aunor ang nagsabing month of July na raw uuwi rito ang mommy ni Ian de Leon. Talaga lang, huh?

Usap-usapan ngayon na may malaki raw problema ang Superstar, at ito ay tumutukoy sa pagkawala ng kanyang boses.  Mayroon ding sinasabi, na nang lumala raw sa ibang bansa ang kundisyon ni Ate Guy, binutasan diumano ang kanyang leeg at nilagyan ng tubo. Naituturo nga na nagsimula ang mga problema nu’ng magparetoke siya sa mga banyagang duktor. Ang malaki raw problema ngayon, hindi na bumalik ang dating timbre ng boses ni Ate Guy, kaya problemado diumano kung papaano pa siya makapagko-concert, na siya niyang unang pinagkakakitaan sa kanyang paninirahan sa Amerika. Kaya may posibilidad na magdemanda ang premyadong aktres.

Mahirap po ang pinagdaraanan ngayon ni Ate Guy, kung totoong binutasan siya sa leeg, nilagyan ng tubo, at nitong huli ay hindi na bumalik ang dating boses. Ang inyo pong lingkod ay isang buhay na patotoo. Eight years ago po, nagkaroon ako ng malubhang karamdaman, at na-tetano din ako noon dahil sa isang sugat, na-ICU ako noon, at binutasan po ako sa leeg at nilagyan ng tubo.

Nang gumaling po ako, kahit po hindi ako singer, hindi na rin po bumalik ang kakayahan kong kumanta ng mataas na tono. Minsan din, kahit magsalita ako, napakahina pala ng dating sa pandinig ng mga tao sa paligid ko. Marami pang ibang hindi magandang pakiramdam. Nag-iwan din po sa aking leeg ng malalim at pangit na peklat ang isinagawang pagbutas sa aking leeg. Mayroon ding ibang pasyente na kapag tinanggal ang tubo sa leeg ay nawawala na talaga ang boses. Kung totoo ang mga nasabing pangyayari kay Ate Guy, napakalaki nga talaga ngayon ng kanyang problema, kaya ipagdasal din natin siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

13 thoughts on “‘Wag na ngang magsalita COCO MARTIN, AYUSIN NA LANG ANG ANAK!

  1. sayang c katherine luna ngccmula n syang sumkat kso bnuntis lng ni coco sby inwan kya hyun nlaos bgla at ngkndaletse letse p ang buhay.tpos ngyn blgtd n ang mundo c coco n ang ckat!sayang tlg sya.

  2. alam mo coco kung talagang gusto mong magbayad ng child support huwag ka ng magpalaki ng issued or magsalita na aayosin mo pa ang buhay mo … for how long mo gagawin or maghihintay ang bata sa mga bagay na ito… siguro kung patay na ang kabayo!!! dun ka lang kikilos eh… talagang hindi ka nga lalaki makunot kang kurimaw !!!!! sana nakikita mo ang sarili mo sa salamin walanghiya ka !!!!! YUN BATA GUSTO KANG MAKILALA AT SA LIMANG TAONG MARAMI KANG UTANG SA ANAK MO ESPECIALLY YUN MAKITA KA SAYANG YUN PINUNLA MO DITO SA MUNDO COCO NAKAKAHIYA KA SOBRA!!!! ANG MAGING SIKAT AT MAGING SUCCESSFUL KA SA BUHAY AY PANSAMANTALA LANG NAMAN YAN PERO ANG ANAK KAHIT MILLION MILLION PA NA BILHIN MO PA ANG KAILANGAN NIYANG LARUAN WALA PA RIN KAPALIT YAN BILANG AMA KA COCO OK !!! ALSO WAKE UP AND SMELL THE COFFEE!!!!AT HINDI RIN STUPID ANG MGA TAO NA NAKAPALIGID SA’YO KUNG ANONG KLASENG TAO KA AT SA NAKAKAKILALA RIN SA’YO OK ! BAHALA NA LANG ANG DIYOS SA’YO BUHAY COCO MARTIN HUWAG PURO GAME GAWIN MO NG ACTION HUWAG PURO DADA!!!!!

  3. UNAWAIN NA MUNA NATIN SI MAR DAHIL MASYADO SYANG NA PRE PRESURE KAY KURING DAHIL YUNG PANGARAP NYANG MAGING FIRST LADY NAWALA NA PARANG BULA, NGAYON YUNG PAGIGING SECOND LADY NAWALA NA NAMAN KAYA ISA LANG SYA THANK YOU GIRLS.

    KASO MAY NASISILIP NA PARAAN PARA MAGING FIRST LADY…. DYARAAAAAAAAAAAN.. ALAM NYO NA KAILANGANG MAGING VICE PRESIDENT SI MAR DAHIL ANY MOMENT AY PUWEDE PA RIN SYANG MAGING FIRST LADY…ALAM NYO NA KUNG PAANO.

  4. YAN SI ROXAS PARANG MAY SAYAD NA RIN SA UTAK…ALAM NYANG TALO NA SIYA EH NAGSSASALITA PA RIN NA NADAYA RAW SIYA KATAWATAWA SIYA…PARANG BUANG ALAM NYANG TALO SIYA AYAW PANG TUMIGIL ANG BUNGANGA WALANG TIGIL SA KAPOPOTAK…MAR BUANG MAGTIGIL KANA TALO KANA BAT AYAW MONG MATANGGAP NA TALO KA IKAW NALANG ANG NATIRANG KANDIDATO NG NAGPOPOTAK.YAN ANG NARARAPAT SA IYO KASI MAYABANG KA BAGAY NGA KAYO NI KORING MGA IMPOSTOR..EH TIYAK NAMAN ILAGAY KA NI ABNOYNOY SA MAGANDANG PWESTO…EH ANO NALANG ANG INAANAK SA KASAL NINONG MO SI ABNOYNOY.
    TUMIGIL KANA TANGGAPIN MO NA TALO KA BUANG KA.

  5. HOY COCO!!!! KAILAN KA MAGBABAYAD NG CHILD SUPPORT SA ANAK MO ? MASYADO KANG BITTER WALANGHIYA MONG AMA SOON LULUBOG KA RIN !!! SA NGAYON KASAMA MO ANG KIMERALD? SOON PAG IKAW NA LANG MAG-ISA BABALIK KA SA KANGKONGAN BALIW!!!!!

  6. panoorin na lang ninyo ang mga scandal ni coco..www.akotube.com…pannorin nyo kung paano bumarurot ang kupal na yan…pang porno ang acting…

  7. NOON PA NAMAN SINASABI NI KATHRINE ANG NANGYARI SA KANILA NOON HINID PA SIYA BUNTIS NA MAY NAMAGITAN SA KANILANG DALAWA NI-EXPLAINED NIYA ITO SA TV-5 ….NA 5 YEAR YUN BATA NA AYAW NIYANG MAKITA AT MAKILALA AT WALANG SUPPORTA … PERO KUNG AKO KAY KATHERINE LUNA IPA-DNA TEST KO ANG BATA KUNG TALAGANG TOTOO NA ANAK NI COCO ANG BATA IDIDIMANDA KO SI COCO KASI FOR 5 YEARS NA HINDI NIYA SINUPORTAHAN ANG BATA NOW HE HAS TO PAYED ALL BACK CHILD SUPPORT AND OF COURSE MAGANDA NA ANG CAREER NI COCO NGAYON IS TIME TO PAYED … AT SANA HUWAG I-DENY NA HINDI NIYA ANAK ANG BATA SHAME ON HIM!!!!!! IKAW NA YATA ANG PINAKA-WALANGHIYANG AMA NA NAKILALA KO KUNG TOTOONG ANAK MO ANG ANAK NI KATHERINE LUNA PAG IPA- DNA ANG BATA

  8. la na talagang credibility si nora. she made people believe na ok na siya tapos balik na naman sa dating gawi. mahirap na siyang makakuha ng raket kung ganun siya. dito sa amerika she was invited by a group of doctors for lunch. she did come very late, di man lang nag-apologize. tapos di pa siya accomodating, di man lang nagpa-unlak ng kanta dahil di raw kasali sa kontrata nya. since then di na siya nabalik sa lugar na yun dahil nadala na ang mga pilipino doon. sana maintindihan nila na kung hindi dahil sa mga fans nila, wala sila sa kinalalagyan nila. other than taking care of themselves they should also take care of their fans. nora has been given all the chances and she’s let it go. di na siguro problema ng mga fans yun kundi sa kanya…
    regarding coco martin, you can never put a good man down. yan ang totoong gentleman di nagsasalita about the issue. siyempre kung totoong anak nya yun kay katherine luna sino ba naman siya para ipagkait ang supporta di ba? kung ibang tao nga tinutulungan nya, yun pa kayang dugot laman nya?

  9. Bakit kasi DI NA LANG AMININ NA WALA NA SIYANG MAGANDANG BOSES NGAYON PARA TAPOS NA ANG PAGTATAGO NIYA!!

    Hanggang kelan siya magtatago, magsisinungaling? Para namang sikat pa siya .

    Bakit kasi nag drugs!!!!

  10. Easy for Katherine to say but it is up to her to prove that this is Coco Martin’s child. If she does not have the means to get a DNA test for the child then let Coco shoulder the espenses . . .BUT. . .in the event that this is not Coco’s child, then. Katherine need to reimburse Coco for the DNA test fees. If this is indeed Coco’s child, then he can do all of his patrimonial duties and provide for the child’s daily needs, education ang future.

Leave a Reply

Your email address will not be published.