W.W. Girls, muntik nang palitan sa show ni Willie Revillame!

NAKITA NAMIN ANG kalagayan ng mag-asawang Zeny Zabala at Direk Ben Feleo nang puntahan namin ito sa kanilang tahanan sa Marikina. Maayos at tahimik ang takbo ng kanilang buhay pero sa ngayon ay may pinagdaraanan ang mag-asawa.

“Kalalabas lang ng ospital ni Ben at milyon talaga ang ginastos namin, pero sa awa ng Diyos ay nakayanan naming bayaran pero may kulang pa rin,” pahayag sa amin ni Zeny.

Nakilala si Zeny noong panahon ng Sampaguita Pictures, kung saan ay kontrabida siya nina Amalia Fuentes at Susan Roces at ng iba pang aktres na sumikat noong 70s.

“Hindi naman kami hirap na hirap, may pinagkukunan pa rin naman kami. Pero hindi na tulad sa dati ang buhay namin na lahat ng gusto namin, in a click, nandiyan na.”

Ayon kay Zeny, masaya siya kahit hindi na sila aktibo ngayon ni Direk Ben sa showbiz, dahil may naipon silang mag-asawa noong mga panahong sikat pa sila.

“Actually last 2000, nagkasakit din ako, nawala ako sa sarili ko, parang nagka-amnesia ako. Pero buti na lang at gumaling ako.”

Sinabi rin ni Zeny na gusto pa rin niyang mag-artista dahil hinahanap pa rin ng kanyang katawan. Pero hindi na siya puwede sa mahahabang dayalog. “Makakalimutin na ako at hindi na ganu’n ka-sharp ang memory at pagsasalita ko, dahil nagkasakit nga ako.”

Sa kabuuan, masayang nagsasama ang mag-asawang Zeny at Direk Ben. “Kahit hindi kami kasal in fourty one years, masaya pa rin kami at nagmamahalan, at iyon lang, kuntento na ako sa aming buhay.”

MARIING ITINANGGI NI Alice Dixson ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawa. Ayon kay Alice ang pagbabalik showbiz niya ay dahil sa sarili niyang kagustuhan at hindi dahil sa naghihirap na siya.

“Ano ba ‘yan? That’s not true, Morly. Nagbalik ako, kasi gusto ko lang at maganda ang offer sa akin dito sa Babaeng Hampaslupa.”

Sinabi ni Alice na totoong wala pa silang anak ng kanyang husband, pero hindi raw ibig sabihin noon ay baog na siya.

“Ay, bakit naman ganu’n?!” At sinabayan ng halakhak ni Alice. “Siguro talagang wala pa,” sabi ng aktres.

Wala rin namang nakikitang masama si Alice kung maging anak daw niya sa teleserye ng TV5 si Alex Gonzaga, dahil matagal na raw siyang gumaganap bilang ina.

HINDI NATUPAD ANG suspensyon na ibinigay ni Willie Revillame sa kanyang mga dancer, dahil noong Sabado nang gabi, muling nakitang humataw ang kanyang mga mananayaw. At matapos ang airing, panay ang pasalamat ng mga dancer kay Williie at nangako ang mga ito na hindi na muli sila mag-aaway-away sa Twitter (sa personal na lang, ha!ha!ha!).

Sa totoo lang, dahil sa ginawang suspensyon ni Willie sa kanyang mga dancer, natuto ang mga ito.

“Actually, bukod sa away-away, nagalit talaga si Willie dahil ‘yung kotseng pinagagamit sa kanila ni Willie ay pinagagamit nila sa kani-kanilang boyfriend, kaya ang ending nagkasira-sira,” sey pa ng aming source na nagsabi pa ring mukha na raw gusgusin ngayon ang dating brand new car na ibinigay ni Willie sa kanyang mga dancer.

Sa kabilang banda, usap-usapan na kung hindi nakabalik ang Willing Willie dancer ay ang Pink Society ng Focus Entertainment ni Joy Cancio ang hahalili at magsasayaw sa nasabing show ni Willie sa TV5.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

2 thoughts on “W.W. Girls, muntik nang palitan sa show ni Willie Revillame!

  1. Bakit ang kapamilya??? hindi ba sila nagaaway??? Sino nga ba yung nagbuntis kay Andi???? tsktsk… mas scandal kaya yun :D Yan ang kapamilya.. pang isport pa:))) hahahaha:))

  2. Ano ba ito, sabi ni DJ Mo sa Juicy, binansagan niya ang TV5 na Happy Network kasi walang away away sa mga artists nila, magkasundo lahat, e ano na ito ngayon? Dalawang beses na yata itong mga WWgirls na nag-away away, first si Congratulations and Pak, now it is Lovely and yong isang sinibak ni Willie, forgot her name! What can you say now Mo, is TV5 still a happy network? Hindi mo talaga ma predict early kasi ka start lang ng TV5 by Manny P. Marami pang darating na iringan sa network nyo. Hindi kasi yan maiiwasan, maski saan ka pupunta, mayroon talagang hindi magkaunawaan. So Mo don't brag next time!

Leave a Reply

Your email address will not be published.