VP Binay, Pumalag sa ‘Epal’

BINATIKOS SI Vice President Jejomar Binay sa social media sa kanyang umano’y panghihimasok sa Zamboanga standoff kamakailan.

Tinawag siyang “epal” matapos ianunsyo ang ceasefire sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at pamahalaan.

Pinalagan ito ng Bise Presidente at iginiit na may go signal ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at Defense Sec. Voltaire Gazmin ang lahat ng kanyang ginawa.

Huwebes pa lang, tinawagan na aniya niya si Gazmin matapos makausap si Misuari.

Pero nang ipaalam ni Gazmin sa Crisis Committee ang pag-uusap nila ni Binay, pinaatras aniya siya sa negosyasyon.

Imbes na umatras, tinawagan ni Binay si Misuari, Biyernes ng gabi kaya’t binalikan niya si Gazmin.

Biyernes ng gabi, inanunsyo ni Binay sa media ang ceasefire sa pagitan ng MNLF at Armed Forces of the Philippines (AFP). May permiso aniya ito nina Misuari at Gazmin.

Nilinaw naman ni Gazmin ang posisyon ng Crisis Committee.

Samantala, Sabado naman, tumulak si Binay sa Zamboanga at nakausap ang Pangulong Aquino.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

2 thoughts on “VP Binay, Pumalag sa ‘Epal’

  1. Eh talaga namang puma papel itong si Binay. Malayo pa ang 2016 Binay. Tumahimik ka muna and let the people involved do their jobs. Nakikisawsaw ka kasi. EPALMUKS.

Leave a Reply

Your email address will not be published.