VP Binay, pinaka-pinagkakatiwalaan

SI VICE-PRESIDENT Jejomar Binay ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming Pilipino. Ito ang lumalabas sa pinakahuling sarbey na isinagawa ng Pulse Asia.

Sa sarbey na may pamagat na “Performance and Trust Ratings of the Top Officials of the National Government, Senate, House of Representatives and Supreme Court”,  nakakuha ng pinakamataas na approval rating si Vice-President Binay sa pagganap niya ng kanyang tungkulin na may 83%.

Pumangalawa kay VP Binay si Pangulong Benigno Aquino III na nakakuha ng approval rating na 72%; Senate President Juan Ponce Enrile (60%); House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (45%); at Chief Justice Renato Corona na nakakuha ng pinakamababang approval rating na 38%.

Ang naturang sarbey ay isinagawa gamit ang ‘face-to-face interviews’ nitong Nobyembre 10 hanggang 23, 2011.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.