Voter’s Registration sa Maguindanao, Pinasabog

SUGATAN ANG mag-ina matapos hagisan ng gra-nada ang voters’ registration area sa Brgy. Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao.

Kinilala ang mga mga biktima na sina Pamela Pangila, 27-anyos at anak na si Agatha Lee, 6.

Sinabi ni Colonel Prudencio Asto, tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na dalawang lalaking sakay ng motorsiklo ang nakitang naghagis ng MK-2 grenade sa Timbangan Multi-Purpose Hall.

Samantala, may pagsa-bog ding naganap sa isang maisan sa Barangay Labu-labu sa kalapit na bayan ng Datu Hoffer Ampatuan, na hindi rin kalayuan sa isang voters’ registration center sa Barangay Labu-labu Mother Elementary School.

Narekober sa pinagsabugan ang mga bahagi ng isang 40mm round na posibleng pinaputok mula sa M-203 o M-79 grenade rifle.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.