Voter’s Education ng Kabataan, Tututukan ng PPCRV

MAS PAGTUTUUNAN ng pansin ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagbibigay ng voters’ education sa mga kabataan.

Ayon kay PPCRV Chairman Henrietta De Villa, ito’y dahil halos 30% ng mga bo-tante ngayong 2013 midterm elections ay nasa edad 35-anyos pababa.

Kailangan aniyang maituro sa mga first time voter at mga batang botante kung ano ang dapat hanapin sa isang pulitiko at kung ano ang mga maiaambag nito sa lipunan.

Isinusulong rin ng PPCRV ang pagkakaroon ng mga campus na Clean, Honest, Accurate, Accountable, Meaningful and Peaceful election (CHAMP) sa iba’t ibang eskwelahan sa bansa.

Payo naman ni De Villa sa mga kabataan, pag-isipang mabuti kung sino ang dapat iboto at huwag lang basta magpapadala sa kampanya ng mga ito.

Tingnan na aniya sa umpisa pa lang kung may ginagawa nang katiwalian ang isang kandidato.

Samantala, dapat din aniyang taglay ng mga kandidato ang 3K (karakter, kakayahan at katapatan) upang maging epektibong lider.

Ang PPCRV ay isa sa mga citizens’ arm ng Comelec ngayong papalapit na eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.