Von Arroyo, mula sa pagkanta, isa nang successful bussinessman

Von Arroyo's birthday celebration at Annabel's Morato

Von Arroyo’s birthday celebration at Annabel’s Morato

Von Arroyo

Von Arroyo

Panandalian mang iniwan ang pagkanta, naging successful naman sa pagkakaroon ng production company ang isa sa mahusay at sumikat na mang-aawit sa bansa na si Von Arroyo na nagdiwang ng kanyang kaarawan last April 1.
Si Von ang CEO/ President ng V Factor na siyang humahawak ng ilang malalaking events sa bansa. Ito raw muna ang pinagkakaabalahan ni Von sa ngayon, bukod sa pagma-manage sa kanyang first talent na si Zeus Collins ng PBB 737 at miyembro ng Hashtag.
Pero ‘di naman daw iiwan ni Von ang kanyang first love, ang pagkanta, lalo pa’t until now ay napakaganda pa rin ng boses nito na kanyang pinarinig sa kanyang birthday celebration na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Ilan sa namataan namin sa selebrasyon ni Von ng kanyang kaarawan ang malalapit na kaibigan na sina Butch Francisco, La Churva na kinabibilangan nina Aira, Marie, at Mamarich at napanonood sa “I Juander”, Director Sean Lim, Zeus Collins, Princess and husband, fashion director Ms. Ning Corteza, marketing man Arvin, atbp.
Present din ang kanyang very supportive at napakagandang mommy na si Tita Elsa, brother PJ na isa ring magaling na singer, Jojo, cousin Perry Sol, V Factor Family, Cathy and husband, at ang kanyang special someone.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.