Volunteerism, Binubuhay sa Navotas

BUBUHAYIN SA Navotas City ang ‘volunteerism’ sa pamamagitan ng executive order na pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco, kamakailan na maghihikayat ng “volunteerism” o pakiisa ng mga residente nito sa mga programa ng lokal na pamahalaan na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay sa lungsod.

Itinalaga bilang coordinator o focal person ng programa, na tatawaging Volunteer and Citizenship Program, ni Mayor Tiangco si G. Danilo Dar Santos na siya ring aktibong namamalakad ng Barangay Affairs and Community Relations Office ng Navotas.

“Naniniwala po tayo na sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng oras at tulong ng mga Navoteño sa mga aktibidad tulad ng regular na clean-up sa mga barangay upang mas lalong magiging maunlad ang lungsod sa aspeto ng kalinisan at iba pa,” ani ng punong lungsod.

Layon din ng nasabing programa na magsagawa ng “database management system” upang mas madaling maabisuhan ang mga miyembro nito sa mga gagawing aktibidad na kinakailangan ng kani-lang partisipasyon.

Ang mga miyembro ay dadaan din sa isang orientation at capacity building programs ng Local Government Academy (LGA) o Department of Interior and Local Government – Local Governance Regional Resource Centers (DILG-LGPRCs).

Nakasaad din sa E.O. na marapat paglaanan ng pondo ang allowance at incentives na ibibigay sa mga miyembro na aktibong nakiisa sa programa.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.