VK sa Caloocan, Tuloy ang Operasyon

SA KABILA ng kahilingan ng mga residente kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na ipag-utos na hulihan lahat ang mga nagkalat na video karera (VK) machine sa kanilang lugar na patuloy hanggang ngayon ang operasyon na pag-aari ng isang ngangangalang “Oyie”.

Nabatid mula sa mga residente ng Barangay 78, Barangay 28 at Barangay 8, si Oyie ay tauhan ng Caloocan City Police Station na isang non-uniformed personnel (NUP) at ang sinasabing “untouchable” na operator ng VK sa mga naganggit na barangay.

Ayon sa mga residente, halos hindi na umano pumapasok ang kanilang mga anak sa paaralan dahil sa labis na pagkagumon sa pagsusugal sa VK at bukod dito ay natututo na ring mangupit ng pera para lamang makapagsugal sa nasabing devil machine.

Wika pa ng mga residente, kung hindi umano malulutas ni Malapitan ang kanilang reklamo ay malamang tuluyang mabulid ang kanilang mga anak sa nasabing sugal.

Pati na rin umano ang ilang haligi ng tahanan ay nagiging adik na rin sa pagsusugal sa VK, kung saan hindi na halos nakapag-iintrega ng suweldo para pantustos sa kinabukasan ng mga anak.

Dahil dito, hinihiling ng mga ama’t ina sa bagong hirang ng chief of Police ng Caloocan na si Sr. Supt. Bernanrd Tambaoan na sibakin si Oyie bilang NUP ng nasabing himpilan ng pulisya sa dahilang ito ang ang utak sa pagkagumon ng kanilang anak at ilang haligi ng tahanan sa sugal na VK.

Ang mga nagkalat na VK ni Oyie ay sinasabi ring dahilan ng paglaganap ng nakawan sa kanilang lugar.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.