VK sa Caloocan, Inirereklamo Pa Rin

INIREREKLAMO NG mga magulang at mga concerned citizen ang hindi masawatang operasyon ng Video Karera (VK) o tinatawag na devil machine na naglipana ngayon sa Caloocan City.

Ayon sa ilang mapagkakatiwalaan impormante, umaabot sa mahigit na 20 piraso ng VK ang nakakalat sa boung District 2 partikular sa lugar ng Tupda, Sugpo at Sabalo.

Ang mga nasabing VK machine ay minamanipula ng isang Cesar Madlangsakay na stepson umano ng kasalukuyang Barangay 8 Chairwoman Vicky Madlangsakay.

Sa naging reklamo ng mga nabanggit, ang mga batang nagsisipag-aral at maging mga matatanda ay lubhang nagugumomn na sa pagsusugal sa VK machine.

Ang nasabing operator ng VK ay may bendisyon umano ni NPD Chief Supt. Antonio Decano kaya hindi matinag-tinag ang operasyon ng nasabing sugal sa kanyang area of responsibility.

Sinabi pa ng mga nabanggit, sobrang lakas daw ang kapit nitong si Madlangsakay kay Decano at maging kay Caloocan City Police Chief Jude Santos kaya nagpapatuloy ang kanyang iligal na aktibidades.

Nabatid mula sa isang NPD insider na malaking halaga ng pera ang hinatag umano ni Madlangsakay para mabigyan ito ng karapatan sa kanyang iligal na operasyon ng VK.

“Sana bago maging tuluyang sugapa ang mga batang nagsisipag-aral sa pagsusugal ng devil machine ay gumawa na ang mga kinauukulan ng aksiyon para matigil ang talamak ng operasyon ng nasabing sugal,” wika pa ng mga residente at mga magulang.

Idinagdag pa ng mga nabanggit na dahil sa hindi masugpong operasyon ng VK ay nawawalan na tuloy sila ng tiwala kina Decano at Santos.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.