VK sa Bagong Silang at Camarin sa Caloocan, Inirereklamo

DISMAYADO ANG mga samahang sibiko, non-government organization at samahang sibiko, partikular ang mga residente sa pagiging inutil umano ng pamunuan ni Northern Police District (NPD) Dir. Gen. Chief Supt. Antonio Decano sa kawalan umano ng kakayahan sa ikasusugpo ng operasyon ng video karera (VK) machine at iba pang uri ng sugal sa Bagong Silang at Camarin, Caloocan City.

Bukod dito, maraming malalaking kaso ng krimen at iba pang uri ng kriminalidad sa kanyang area of responsibility (AOR) ay hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa umano malutas, kumbaga ay natutulog sa pansitan ang nasabing hepe ng NPD.

Ayon sa ilang insider ng NPD, sa simula pa lang umano ng panunungkulan ni Decano bilang district director ng NPD, hindi man lang nahinto ang talamak na operasyon ng VK at at iba pang uri ng illegal gambling sa kanyang nasasakupan.

Anila, lubhang apektado ang mga batang mag-aaral na imbes na magsipag-aral ay pagsusugal sa video karera ang inaatupag.

Karamihan sa mga sugapa sa sugal ay natututong magnakaw o kaya ay pumatay para lamang matustusan ang bisyong sugal.

Ipinagbigay-alam na ng mga nabanggit ang kanilang reklamo sa tanggapan ni PNP Chief Gen. Nicanor Bartolone sa pamamagitan ng text ang kanilang hinaing subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala umanong nagagawang kaukulang aksyon ang nasabing hepe ng PNP.

Sa Bagong Silang Kaliwa, Phase 4 at Phase 9 at sa lugar ng Camarin ay nakakalat ang 50 unit ng VK machine na pag-aari ng isang “Major Sacho” kung saan ay ipinamamahala nito sa isang alyas “Tony Mata” at isang alyas “Marlon”.

Ang operasyon ng VK ni Sacho ay nagsimula noon pang nakalipas na taon at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nag-o-operate.

Sinabi pa ng source, may bendisyon daw si Sacho kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri para makapag-operate ng kanyang VK machine.

Dahil dito, hinihiling ng mga residente, non-government organization at samahang sibiko kay Decano na magbitiw na bilang district director ng NPD sa dahilang wala umano itong kakayahan para masugpo ang nasabing bisyo at kriminalidad.

“Nakakahiya ka, general,” wika pa ng mga nabanggit.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “VK sa Bagong Silang at Camarin sa Caloocan, Inirereklamo

Leave a Reply

Your email address will not be published.