VJ Marquez, gagawin ang lahat para maging proud sa kanya sina Alma Moreno at Joey Marquez

VJ Marquez, gagawin ang lahat para maging proud sa kanya sina Alma Moreno at Joey MarquezMedyo maypaka-chubby pa nun si VJ Marquez, ang bunsong anak nina Alma Moreno at Tsong Joey Marquez last summer nang ipakilala siya sa amin ni Ness sa Solaire Hotel.

Magatagal na palang gusto ni VJ Marquez ang mag-showbiz, ‘yun nga lang ay naghahanap pa ng tamang timing.

Kaya nga after mai-pictorial siya ni Edward dela Cuesta na arranged ng kaibigang Jobert Sucaldito at nakasabayan niya ang mga talents ni Jobert na sina Michael Pangilnan at Prima Diva Billy, ‘yun ang last time na nakita namin si VJ.

Sa press launch ng bagong pangtanghaling show ng TV5 in cooperation with Viva Entertainment na “Happy Truck Happinas” na magsisimula na this Sunday (March 6), nagulat kami nang tumambad sa amin si VJ.

Yes, showbiz na si VJ tulad ng Ate Wyn Marquez niya at ang laki ng ibinawas ng timbang niya na dati’y siksik sa baby fans si bagets.

Si VJ ay contract artist ngayon Viva Artists Agency at kabilang sa male bagets group na YOLOL (You Only Live Once Lang) na siyang title ng segment nila sa noontime show, kasama sina Akihiro Blanco (of Artista Academy); Andrew Muchlach (kapatid nina Aga at Arlene); Jason Salvador (brother ni Maja); Owy Posadas, at si Jack Reid (younger brother ni James).

Pagbabalita pa ni VJ, happy siya sa kanyang panimula sa showbiz dahil suportado siya ng pamilya niya.

“Gagalingan ko po ang gagawin ko sa show para maging proud sa akin ang parents ko at si ate,” pangako pa ng 18 year-old showbiz newbie.

Ang mga main hosts ng bagong musical-game show ay sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Tuesday Vargas, Gelli de Belen, at Derek Ramsay.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleCherry Pie Picache, may bagong kinahuhumalingan
Next articleJulia Barretto, aminadong kabado ‘pag kaeksena si Angel Aquino

No posts to display