Vivian Velez, pagsasabungin ang dalawang serye sa Dos at Singko

IN-DEMAND NGAYON si Ms. Vivian Velez sa telebisyon, dalawang soap ang ginagawa niya. ‘Yung isa sa Singko at ‘yung isa, Maria Mercedes ng Kapamilya Network. Parehong kontrabida roles ang ginagampanan niya sa mga ito. Kahit lagare sa pagte-taping ang magaling na actress, enjoy naman daw siya sa characters na kanyang pino-portray.

Ayon kay double V, very challenging on her part to be a kontrabida, ibang lever of performance daw ang mapapanood ng viewing public once na ipalabas na ito sa telebisyon.

Curious ang marami kung bakit tinanggap ni Vivian ang teleserye sa Singko kahit wala namang viewers ang kanilang mga palabas. Kung mayroon mang nagre-rate, palagi naman silang kulelat sa rating, almost number 3, hindi umusad-usad. Ipinaliwanag naman ni Ms. Body Beautiful na ‘yung role ang dahilan kung bakit niya ito tinanggap. May nagsasabing mas mataas daw ang TF niya sa Kapatid Network kaya napilitan na lang itong gawin ang soap.

“Hindi naman, secondary lang ‘yung TF, importante sa akin ‘yung role. Kailangang mabasa ko muna ang storyline, script, bago ko ito tanggapin. Of course, importante rin kung sino ang nasa cast and who will direct the show,” say ni VV.

Pagdating sa project, movie at television, maingat si Vivian. Hindi siya agad-agad tumatanggap kung hindi rin lang babagay sa kanya ‘yung role. Gusto niyang gumanap ng iba’t ibang character na hahamon sa kanyang kakayahan as an actress. Marami na rin siyang tinanggihang offers, ayaw na lang niyang banggitin kung ano ang mga ito.

Balita naming isasabay raw ng Singko ang soap ni Vivian sa teleserye rin niyang Maria Mercedes ng ABS-CBN. Gusto nilang patunayang mas maganda ang show nila kaysa sa Dos. Ang lakas naman ng loob nitong number 3 network na makipagsabayan. Kailan ba nag-number 1 ang kanilang mga drama-series? Mga shows na hindi mo namalayan, natapos na pala.

Apektado kaya si VV kung mangyari ito na pagsabungin ang kanyang dalawang show na parehong pang-primetime? “Nakalulungkot kung mangyayari nga ‘yun, nasa network ‘yun. Artista lang ako, wala akong karapatang manghimasok. Sila ang nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa show at sa kanilang istasyon. Ang focus ko, ‘yung role, kaiinisan ninyo ako rito. Marami ang magagalit sa akin sa gagawing kong pang-aapi kay Jessy Mendiola,” natatawang sabi ni double V.

Nang maka-tsikahan namin si Manay Gina Tagasa, head ng Creative Department ng Maria Mercedes, sinabi nito na tailor-made para VV ‘yung role. Bagay na bagay raw sa personality ng actress ‘yun character na ipo-portray niya.

Kinarir ni Ms. Vivian ang dalawang character na gagampanan niya sa nasabing drama-series. Ultimo make-up, wardrobe na isusuot sa bawat eksena kailangang swak sa eksenang kukunan. May sariling make-up artist at stylist ang actress kaya’t naiibang Vivian Velez ang inyong mapapanood.

Ayaw man aminin ni VV,  ang pagkakaalam namin, nag-shopping pa ito sa US para sa mga isusuot niya sa nasabing soap. Puros signature ang gagamiting outfit nito na ikawiwindang daw natin, tsika sa amin ng production staff. Ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Vivian Velez, pagsasabungin ang dalawang serye sa Dos at Singko

  1. Orangecountykid huwag mo sanang kalimutan na BLIND ITEM ang tema ng fashion pulis. 
    Kaya mo na sigurong intindihin ang ibig sabihin noon.
    Ang dami mo pang sinasabi.
    …….

    Walang kupas si  Vivian Velez.

  2. From now on, i will stop reading PEP and Fashion Pulis on the web. Both of them are irresponsible. Fashion pulis posted an article from an anonymous sender claiming that kim chiu was an ungrateful and an unforgiving daughter and did not provide financial support to her mother while she was sick. We all know that these were all lies. The Fashion pulis column of mike sy lim did not investigate the claims on the letter before posting its contents. This was irresponsible journalism. Since the fashion pulis would not post my critique on his column, i decided to bring this up on PEP. PEP removed my two comments within a minute which infringed on my free speech right. Both PEP and Fashion pulis are in cahoot about this issue. I do not know if they are owned by the same company or the Fashion pulis mike sy lim has a strong connection with PEP that they decided to delete my comments asking bloggers to stop reading the Fashion pulis website. Now i have to include PEP also. I hope you guys will not do what PEP did. Can you make an article about this? Both PEP anf Fashion pulis need to know that free speech is protected under the law and there was no profanity in my comments. It was just asking bloggers to boycott the Fashion Pulis because of the article that he posted without investigating it first. Thank you.

    • HAHAHAHAHA. MARAMI SILANG MAGKAKAMUKHA. DI BA PATI YUNG STARLET NA SI SHEREE. YUNG MISIS NI GIO MAGDANGAL. KILALA MO, TEH? HAHAHAHA. KUNG HINDI, OK LANG. HAHAHAHA

      • HAHAHA, GIAN MAGDANGAL TEH! OO NAMAN KILALA KO YON… PERO IN FAIRNESS MAY ASIM PA RIN ANG LOLA MO KAHIT MEDYO MAJUBIS HEHEHE!

      • HAHAHAHA. AYAN, NAMALI TULOY AKO. MGA STARLET KASI. PERO IN FERNEZ, MAGALING KUMANTA SI GIAN HA. AT KOREK KA, TEH, MAY ASIM PA NGA SI SHEREE. EWWWW! HAHAHAHA

  3. HAYNAKU KUNG AKO KAY VV MAS PAGTUTUUNAN KO NG PANSIN ANG MARIA MERCEDES DAHIL SURE NAMAN NA MAS MAGRE-RATE YAN KESA SA MISIBIS BAY NG TV5 NOH! KELAN BA UMABANTE SA RATING ANG SINGKO? MARAMI NANG NAGDAAN NA SOAP SA TV5 PERO KAHIT KAILAN HINDI MAN LANG PUMANTAY SA MATATAAS NA RATINGS NG DOS AT SIYETE HAHAHAHA! TANONG LANG, KUMIKITA PA KAYA SI MVP? HAKHAK!

Leave a Reply

Your email address will not be published.