Vivian Velez, mas gustong mamahinga sa showbiz kaysa gawin ang ‘di type na role

TINANGGAP NI Ms. Vivian Velez ang Mexican telenovela na Maria Mercedes na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola because of Chito Roño. Hindi nga alam ng magaling na actress kung anong character ang kanyang gagampanansa sa nasabing re-make ng sikat na Thalia-serye.

“Oo, alam kong mahal na mahal ako ni Direk Chito, alam niya ‘yung challenges sa character na ipo-portray ko. Hindi niya ako kukunin kung hindi niya ako kailangan for the the role,” panimula ni VV.

Maganda ang year 2013 para kay Ms. Velez, kahit maikli lang ang role ni double V sa pelikulang On The Job nina Joel Torre at Gerald Anderson, nagmarka naman sa publiko ang character na kanyang pinortray. Gugulatin kaya ni double V sa first indie film nito na “Bendor” for Cinema One Originals 2013 sa direksiyon ni Ralston Jover.

“Quiapo vendor ako rito. Kailangang tanggapin ko kasi napi-peg na ako sa puro sosyal na roles. Wala akong make-up doon, kailangang medyo chubby ‘yung character ko para mas mukha akong vendor talaga,” aniya.

Sa seryeng MM, may sariling stylist si Vivian para mag-swak ‘yung character na kanyang ginagampanan. Walang pakialam ang actress kahit bumili pa siya ng signature clothes para maging effective ang pagiging donya niya sa soap na ito.

“Si Marina, palagi siyang naka-purple. Alam mo naman ang mga damit ko puro black. Kapag purple ang damit ko, stylist ang gumagawa. Kino-combine lang namin pero ‘yung iba personal na gamit ko (na puro signature). Hindi naman ako nagpa-purple, ‘yun ang color niya. Pati office niya purple, parang Barney. Si Direk Chito ang nag-peg ng look ko rito,” kuwento niya.

Ayon kay Ms. Vivian, nakapapagod daw ‘yung role niya rito. “Ang mga hat ko, gusto ni Direk Chito puro malalaki. Kailangan palagi akong nakatingala kapag umaakting para makita ‘yung expression ng mukha mo for every scenes. Medyo mahirap pero nasasanay na rin ako. “

Pinag-aralang mabuti ni Ms. Vivian ‘yung magiging character na ipo-portray niya. Kailangang naiiba sa past role na nagawa niya sa ibang soap. Sobra nga raw siyang na-challenge sa pagiging kontrabida.

“I have to make it different. I have to make it enduring. Kahit kontrabida, matuwa pa rin sa akin ang tao. To the point na si Maldina kapag nagta-tantrum siya, parang child-like, parang bata. Parang ganoon ang ginawa kong peg sa character ko rito. I think, happy naman ang management. ‘Yung acting, akin ‘yun. Ako mismo ang gumawa nu’n. Artista ako, kaya nga nila ako binabayaran, ‘di ba? For me to be able to portray the character, kailangan gmay sarili akong style in acting. Siyempre, ang nagtitimpla ‘yung director, mahirap, it’s not me…”

‘Yung pagiging sensual ni Thalia, alam kaya ‘yun ni Jessy Mendiola? “Medyo nahihiya pa siya nang kaunti. Gusto ko ngang turuan, hahahaha! Medyo nahihiya pa siya, hindi ko pa nga siya nawo-workshop. Siyempre, dalaga pa at saka nag-uumpisa pa lang kami na medyo tomboy siya at saka hindi pa kami magkasama sa mga eksena na ano pa siya. Lalabas at lalabas ‘yung pagiging sensual ni Jessy, bibigyan ko siya ng tip na maging sensual,” pagbibida ni VV.

Kahit paborito ngayon ni Vivian si Jessy, si Angel Locsin pa rin ang love ng magaling na actress. “Si Jessy kasi, ang bait-bait. Kapag nakita niya nakatayo ako, siya pa ang kukuha ng upuan. ‘Ms. Vi, upo ka’, ganu’n ‘yung bata. Walang ka super-superstar complex, ganu’n si Jessy, pero mahiyain siya.”

Nagshi-share ba naman si Jessy kay Double V ng kanyang personal life? “Wala pa kami sa ganu’ng stage. Darating din kami d’yan, pero mabait siya. I really hope na hindi siya magbago,” say ni Ms. Body Beautiful.

Tuluy-tuloy na kaya ang pagbabalik-telebisyon ni Ms. Vivian? “After 2 years, namahinga ako, hindi ko naman gusto ‘yung mga ino-offer nila sa akin. Ayaw ko namang sumabak na kung anu-anong soap na lang after ‘Imortal’. Talagang naghintay ako, itong ‘Maria Mercedes’, Chito Roño same with Imortal. Tinginan lang, alam na naming dalawa kung ano ang kailangan sa eksena,” pahayag pa ni Ms. Velez.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “Vivian Velez, mas gustong mamahinga sa showbiz kaysa gawin ang ‘di type na role

  1. pinaka sexy at pinaka magandang aktres sa kanyang kapanahunan at wala na ang mga kasabayan, siya ay nag iisang body beautiful

Leave a Reply

Your email address will not be published.